• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto reveals new movie after ‘Etiquette for Mistresses’

Claudine Barretto reveals new movie after ‘Etiquette for Mistresses’

Claudine Barretto hints at a reunion project with a former leading man.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/19/2015 6:10 AM
Claudine Barretto reveals new movie after ‘Etiquette for Mistresses’


101815-claudine_up.jpgApplauded ang naging performance ni Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik pelikula sa Etiquette for Mistresses at aminado ang aktres na hinanap-hanap niya ang showbiz kaya naman matapos ang kanyang pagbabalik pelikula ay binubuo na ngayon ang kanyang follow up project.

"May gagawin na tayo sa under Viva. Medyo confidential pa kung sino ang mga makakasama ko pero it will be directed by Wenn Deramas and yung leading man ko dito magaling siyang artista at nakasama ko na siya dati."

Happy si Claudine na may reunion movie sila ni Direk Wenn na director niya sa mga teleseryeng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at iba pa. Pero kung marami man ang nagre-request na magbalik teleserye na si Claudine ay sa pelikula na lang muna siya tututok sa ngayon.

Sa kanyang personal life, ayaw na magbigay ng kahit anung comment ni Claudine lalo na kung ang ama ng kanyang mga anak na si Raymart Santiago ang naitatanong sa kanya.

"Maayos kami ni Raymart ngayon and may usapan kami na ‘wag na lang mag comment ng kahit ano tungkol sa isat isa para sa mga bata. Ang importante okey kami ngayon at masaya ang mga anak namin."

Sa mga issues naman sa kanyang pamangkin na si Julia Barretto, sinabi ni Claudine na pabayaan na si Julia sa mga bagay na magpapasaya sa kanya. Sana daw ay mabigyan ng pagkakataon si Julia na mag shine kayat itigil na ang negative issues na idinidikit dito.