• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Aubrey Miles reveals how to have a boyfriend 10 years older than her

EXCLUSIVE: Aubrey Miles reveals how to have a boyfriend 10 years older than her

Aubrey Miles reveals the secrets to her relationship with Troy Montero.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2015 8:49 AM
EXCLUSIVE: Aubrey Miles reveals how to have a boyfriend 10 years older than her


101715-AUBREY_main.jpgSa presscon ng pelikulang Nilalang ay nakausap ng Push.com.ph si Aubrey Miles. Ang boyfriend ni Aubrey na si Troy ang isa sa mga producer ng MMFF project na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Maria Ozawa.

May cameo role si Aubrey sa Nilalang at si Troy mismo ang nag-convince sa kanya na tanggapin ito.

“Sabi sa akin ni Troy, kasi siya yung isa sa producer ng movie, ‘Can you do it please?’ Pero bayad ako dito, binayaran ako ni Troy. Yung cheke talaga signed niya,” natatawa niyang kuwento.

Like any other couple, hindi rin daw nila maiwasang mag-asawa na magkaroon ng mga argument.

“Nung first three years namin madalas yung ganyang argument. Madalas na pinag-aawayan namin before yung going out. Gimikero kasi siya. Palainom ako pero social drinking lang with my friends. Siya gimik nang gimik!

“Pero ngayon hindi na, medyo natuto na siya. Natuto na siya sa pagkalasing niya. Ang dami na niyang experience na naaksidente siya, ganyan... yung hindi ko siya tinuruan,” dagdag pa niya.

May mga ginagawa pa ba si Troy na pinagseselosan niya?

“Ang ayoko sa kanya dati yung uuwi ng madaling araw o umaga, pero hindi selos eh... parang inis ka kasi ini-expect ko pag sinabi niyang uuwi siya ng 3 a.m. tapos uuwi 6 a.m., buwiset ako sa ganu’n.

“Sa selos siguro, sa mga girls kapag lasing siya kasi minsan hindi na niya alam ang ginagawa niya. Tapos yung mga girls nagpi-flirt sa kanya. Sabi ko, ‘Hoy,... alam mo yon? Yung ano ba? Ang tanda-tanda mo na, hindi mo pa makontrol yung drinking mo’? Yung mga ganu’n lang.”

Hindi pa naman daw niya nahuli si Troy na nambababae.

“Saka yan, parang feeling ko lahat napagsawaan na niya. Parang kumbaga, yung mga girls dati na gusto niya, eh, ‘naganu’n’ na niya... alam mo yon, sawa na.

Malaking factor din daw ang sex life kaya tumatagal ang relasyon nila ni Troy.

“Kahit anong ganda o guwapo mo, pag ang pangit ng sex life nyo, wala. Parang iba yung tingin mo. Kasi nagkaganu’n na ako before, eh. Ang gwapo-gwapo, pero yung sex life parang iba na yung tingin mo. Pag pangit ang sex life nag-iiba yung tingin mo sa tao,” pagmamalaki pa ni Aubrey.

Aubrey also shared kung paano ba ang magkaroon ng boyfriend na 10 years ang tanda kesa sa kanya.

“Siguro dahil nga sa age gap namin, kaya si Troy, sobrang mapagbigay niya.  Yung tipong tutal, mas bata ka sa akin kaya magbibigay na lang ako.

“Sobrang supportive din niya. Sobrang bait, good provider. Tapos dahil nga 10 years older siya sa akin, nurturer siya. Uunahin ka muna niya...  uunahin muna niya yung mahal niya,” sey pa ni Aubrey.