Who is Maja Salvador’s textmate?

Is Maja ready to love again?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2015 6:10 AM
Who is Maja Salvador’s textmate?


101615-MAJA_main2.jpgPagkatapos ng presscon ni Maja Salvador para sa napakalaking concert niya sa MOA Arena titled “Majasty” on Nov. 13, ekslusibo pa naming nakatsikahan ang dalaga 9501 Restaurant ng ABS-CBN. Kinulit namin siya tungkol sa textmate na binabanggit niya during the presscon.

Habang kausap namin si Maja, busy rin siya sa pagte-text at alam na namin na iyon ang sinasabi niyang textmate.

“Hulaan mo na lang kung sino,” pagdi-dare  sa amin ni Maja 
tungkol sa identity ng kanyang ka-text habang bising-busy siya sa pag-tetext.

Nakakatuwang pagmasdan na napapangiti si Maja habang binabasa at nagre-reply sa kanyang ka-text. Ayon pa sa kanya, hindi niya inakala na mapapansin siya ng bagong “admirer.”

Sinadya pa ni Maja na medyo ilayo sa paningin namin ang kanyang cellphone dahil baka raw makita namin kung sino ang ka-text niya.

“Nakita mo? Sinisilip talaga kung sino. Buti na lang hindi mo nakita. Ha-ha-ha! May picture pa naman yung number niya. Ha-ha-ha!” reaksyon pa niya.

Nagbigay naman ng clue si Maja at ang handler niyang si Neneth kung sino ang textmate na yon.

Ayon kay Neneth, hindi raw ito taga-Star Magic. Say naman ni Maja, actor daw ito at nakatrabaho na niya.

Binanggit naming ang pangalan nina Coco Martin, Paulo Avelino, Rayver Cruz at isang young politician from the South, pero napailing lang dito si Maja. “Hindi sila. Ha-ha-ha!” tanggi pa niya.

Hindi namin nabanggit ang pangalan ni Sam Milby na nakatrabaho na din ni Maja, dahil nawala ito sa isip namin. Pero possible kayang si Sam nga ang misteryosong textmate na sinasabi niya? 

May dahilan si Maja kung bakit ayaw niyang i-reveal ang bagong nagpapasaya sa kanya ngayon. Ayon sa dalaga, “ka-text ko pa lang siya... Ayokong maudlot. At saka,  wala pa naman talaga... text pa lang.”

Handa na ba ulit ang puso niya na magmahal?
“Handa na yan?” sabi agad niya. “Wala lang akong time. Makikipag-text ba ako kung hindi,” pag-amin pa niya.

Iimbitahan ba niya ang textmate sa kanyang concert?
“Tetext ko siya kung puwede siya,” natatawa niyang sagot.

Samantala, hindi naman naniniwala si Maja sa sinasabi ng iba na kapag walang love life ay saka mas nagiging bongga ang career ng isang artista.

“Depende kasi yan sa pagbabalanse mo rin, eh.  Ako kasi nu’ng mga panahon na may lovelife naman po ako, masasabi ko naman na hindi ko napabayaan yung trabaho ko. Na-balance ko naman po.

“Yung mga kailangan kong i-prioritize, nai-prioritize ko naman po... depende po talaga sa yo yan, eh. Ngayon parang... parang hindi ako naniniwala na kapag marami kang blessing o kapag okay ang career mo, walang love life,” paliwanag pa niya.

Any time soon ay tiyak na mare-reveal na rin kung sin ang totoong bagong nanliligaw kay Maja. Ayaw lang siguro ni Maja na sa kanya unang manggaling ang pag-amin dahil babae siya.