Jennylyn Mercado to keep communications open with Sam Milby

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2015 6:04 AM
Jennylyn Mercado to keep communications open with Sam Milby


101615-JEN_main.jpgMatagumpay na naipalabas ang pelikulang The Prenup ng Regal Entertainment na unang pelikula na ponagsamahan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby. Ayon kay Jen, maayos ang naging working relationship nila ni Sam ng mag shooting sila sa New York kayat siguradong bukas pa rin ang communication sa pagitan nila kahit tapos na at naipalabas na ang pelikula.

"Lagi naman kami nagkakausap ni Sam sa Viber, sa social media ganyan. Tapos nag-aaya siya mag muay thai, jujitsu ganyan. Gusto ko rin naman balikan yun palagay ko yan ang magiging bonding namin"

Nag open up din si Jen na gusto niya sana maging bahagi ng ika sampung taon ni Sam sa showbiz sa anniversary concert nito aa Kia Theater pero hindi umayon ang kanyang schedule.

"Nag-volunteer nga ako sabi ko bakit hindi niya ako kinukuha tapos ng masilip ang sked ko nasa Amsterdam pala ako same date ng concert niya kaya sayang."

Nagbigay update din si Jen sa pelikulang Walang Forever na entry naman sa 2015 MMFF kung saan makakatambal niya si Jericho Rosales.

"Okay naman smooth sailing naman ang shooting namin nakaka four days na kami pero wala pa kami eksena na magkasama ni Echo syempre looking forward din tayo sa project na ito na pang MMFF. Teasers pa lang ang magkasama kami ni Echo na magkasama kami."