Alex Castro says he wants to marry Sunshine Garcia someday

Alex Castro talks about his relationship with ex-Sexbomb dancer Sunshine Garcia.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2015 4:02 PM
Alex Castro says he wants to marry Sunshine Garcia someday


101615-ALEX_main.jpgHindi pa umaabot ng isang taon ang relasyon nina Alex Castro at ng dating Sexbomb member na si Sunshine Garcia. Ayon sa kuwento sa Push.com.ph ni Alex nang makausap namin siya sa presscon ng advocacy film na Upline Downline, six months pa lang daw sila ng dancer/actress.

Pero kung siya raw ang masusunod, gusto na niyang si Sunshine na ang mapangasawa.

 “Sana… alam n’yo naman po tayo pag nagmamahal ayaw naman natin nang papalit-palit, eh. Hangga’t maaari, pag nakita mo na… napakabait na tao ni Sunshine, so parang nakikita ko na yung future ko sa kanya.

“Kung walang magbabago, magkaintindihan kami… lahat naman siguro do’n din darating. Maaga pa nga sigurong sabihin, pero I’m very positive, ayoko na rin kasi ng papalit-palit at nasasabihan ako ng palikero,” sey ng actor.

Anu-ano ba ang mga endearing qualities na nagustuhan niya kay Sunshine?

“Ay, napakamaalaga niya po, napakabait, napakaresponsable, maintindihin saka napaka-sweet… sobrang nakaka-in love po talaga,” pagde-describe pa niya sa girlfriend.

Hindi rin daw selosa si Sunshine at napakalawak din ng pang-unawa.

“Naiintindihan niya yung trabaho ko, pero yung pagiging palikero, wala pa nama kaming history na nag-away sa babae… wala naman po. So, pinagpe-pray ko na sana, wala kaming maging problemang ganu’n. Nasa lalaki rin ho yon, eh, so ako na lang ang iiwas,” pahayag pa ng singer-actor-politician.

Nagbigay din ng pahayag si Alex sa totoong dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jef Gatmaitan na nakarelasyon niya for almost four years.

“Si Jef kasi, magkaiba na kami ng gusto sa buhay. And then siguro, napalaki lang dahil do’n sa insidente na si Sunshine yung naging girlfriend ko at medyo hindi niya yon matanggap.

“Pero yung the fact na hindi na talaga kami magkasundo na nu’ng mga huling part ng relationship namin, kami na mismo at siya na rin mismo ang nagsabi na… yon na nga, maghiwalay na kami.

“Minsan kasi, meron ding ganu’n talaga, wala sa tagal. Kasi if you’re having a relationship, you’re building your future, kung hindi kayo magkasundo at sa tingin ninyo, eh, hindi ninyo nakikita yung future n’yo at hindi kayo parehas ng gusto, mas okey na siguro na maghiwalay,” paliwanag pa ni Alex.

Meanwhile, kasama ni Alex sa Upline Downline sina Snooky Serna, Matt Evans at Ritz Azul. Sa direksyon ito ni George Vail Kapristante.