Kuh Ledesma celebrates 35 years in showbiz

Kuh Ledesma marks her 35th anniversary in showbiz with a concert.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/16/2015 6:06 AM
Kuh Ledesma celebrates 35 years in showbiz


101515-KUH_main.jpg35 years na sa showbiz ang Pop Diva na si Kuh Ledesma at isang espesyal na anniversary concert ang handog niya bilang pasasalamat sa October 16, 7 pm sa CCF Center Main Auditorium. Isa si Kuh sa maituturing na pinaka=matagumpay na OPM artist na hindi lang sa recording at concert scene gumawa ng pangalan kundi nakatawid din sa pelikula, theater at ngayon sa mga teleserye sa telebisyon.

Marami ang pumuri na maintained ni Kuh ang kanyang figure at nag-share ng kanyang paghahanda sa concert.

"Naku mahirap din yan kapag malapit na ang show inaalis natin lahat ng carbs. Gusto ko rin kasi i-inspire ang woman followers natin na pwede naman mag-lose ng timbang the natural way by eating less."

Naka-display din sa venue ng ating interview ang mga memorabilia ng 35 years ni Kuh sa showbiz gaya ng concert posters at gowns na isinuot niya sa iba’t ibang okasyon at special appearances. Kasama dito ang gown na isinuot ni Kuh ng maging judge sa Miss Universe Pageant noong 1991.

"Sa 35 years natin sa showbiz priority natin na tulungan at isuot ang mga likha ng mga kababayan natin na designers. Aminado naman ako na mayroon din akong imported na gowns pero kapag may show ako lalo na kung sa ibang bansa, gawang Pinoy ang isinusuot ko bilang suporta sa mga kababayan natin."

Makakasama rin ni Kuh sa kanyang concert sina Gary Valenciano, Jaya, Regine Velasquez at marami pang sorpresang bisita.