EXCLUSIVE: Yam Concepcion says she admires Maria Ozawa

Yam Concepcion after watching Maria Ozawa’s adult video: ‘What she did was something spectacular’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2015 6:05 AM
EXCLUSIVE: Yam Concepcion says she admires Maria Ozawa


101515-YAM_main.jpgMay konting Japanese feature sa itsura ni Yam Concepcion kaya napili siyang gumanap bilang kapatid ni Maria Ozawa sa pelikulang Nilalang na ipalalabas sa December 25. First time daw niyang makita in person si Maria during the pocket presscon.

Wala kasi kaming eksena, never kaming nagkaroon ng eksena kahit ako yung sister niya dito. Ako bale yung magiging saving factor ng conflict,” pagde-describe ni Yam sa kanyang role.

Kaagad naming tinanong si Yam kung aware ba siya sa profession ni Maria at kung ano ang impresyon niya dito. Sabi ni Yam sa Push.com.ph, “Yung ginagawa niya, hard core yon.”

Ayon pa kay Yam, kahit adult video star si Maria ay iniidolo raw niya ito.

Kasi, kumbaga, she made a name for herself internationally kaya siyempre, malaki rin yung paghanga ko sa kanya dahi ang hirap gawin ng ganun. To go porn all the way, ang hirap non, iba yon,” pahayag niya.

Hindi ako nababastusan kasi trabaho niya yon, eh. And kumbaga, I’m very open-minded and I don’t judge people na porke’t nag-porn ka o naghubad ka, eh, masamang tao ka na or people should disrespect you, hindi. In fact, kaya siya sumikat dahil don. She should be very proud of it. At sa akin, malaking ang paghanga ko sa kanya,” dagdag paliwanag ni Yam.

Hindi rin daw siya nagkaroon ng hesitation na mapasama sa pelikula ni Maria.

Maria Ozawa yan and she made the name for herself and a lot of guys, grabe yung pagpantasya sa kanya, talagang kilalang-kilala nila si Maria. So bakit pa ako aarte at magtatanong sa sarili ko kung papayag akong maging part ng movie niya, in the first place, sino ba ako, di ba?

Inamin din sa amin ni Yam na after niyang malaman na si Maria Ozawa ang isa sa bida sa Nilalang ay ginoogle niya ito.

Ginoogle ko talaga at nanood pa ako. Sabi ko, ‘idol, ang lupit.’ Actually, kilala ko na naman siya dahil sa mga adult video na ginagawa niya bago pa man na-offer sa akin ang project.

Tapos tinanong ko sa Tito ko, sa brother ko, sabi nila, ‘Maria Ozawa, porn star yon’ so what I did, I googled her, saka ko lang napanood,” kuwento pa niya.

Ano ba ang naramdaman niya habang pinapanood ang video ni Maria?

Actually, na-turn-on ako. Joke lang! Hahaha!” pabiro niyang pahayag. ‘Sabi ko, ang tindi, ang galing niya, Solid. Iba.’

Kumbaga, kapwa babae ko yan so, siyempre, hindi naman tayo bata na para magpakainosente pa. Siyempre, we also have experience and like what she did there was something spectacular... ang galing!” pahayag pa ni Yam tungkol kay Maria Ozawa.