Young Actor nagalit nang titigan ng ka-eksena sa serye

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/15/2015 12:13 AM
Young Actor nagalit nang titigan ng ka-eksena sa serye


101415-ogie_pushers.jpgWalang echos 'to, ha? Hinayang na hinayang naman ako sa isang young actor na napakahusay umarte, pero ewan ko kumbakit halos lahat ng mga common friends namin ay nagsasabing "Bumalik kasi siya, Ogs, sa dating bisyo, kaya napapabayaan na naman niya ang kanyang trabaho by being unprofessional."

Oh, well. Mahirap din talaga pag kinakawayan ka ng bisyo. Heto nga, nung minsan daw na magkaeksena ang naturang young actor at ang isa pang young actor na bida ng umeere ngayong teleserye, "Hindi mo to kakayanin, Ogs, pinitsarahan at hinamon niya ng suntukan si ____ (name ng kaeksena). Kasi, ang katwiran niya, 'Ba't mo ko tinititigan?! Ano'ng gusto mong mangyar? Lalaban ka, ha?! Ha?!'

"Nagulat talaga yung kaeksena niya, kaya sabi agad, 'Bro, bro, easy ka lang, kasama sa sequence yung tumititig ako sa yo.' Nag-apologize naman agad siya. Sorry nang sorry. Nakalimutan daw niyang eksena lang pala yon."

Ewan kung ganito nga eksakto ang nangyari, pero sana naman, hindi. Although kung more or kess, nagkaroon nga ng "something" eh sana maayos naman ito agad.
Kaya nga raw hindi na muna nagkikita sa eksena ang dalawang young actor para maiwasan ang gulo. Pansamantala rin itong pinagpahinga muna sa tapings para pagbalik ay reding-ready na ito.

Honestly, sobrang husay ng young actor na ito. Kahit hindi magsakita, mata pa lang, ang dami nang sinasabi. Kaya sana naman, huwag nang sayangin ng young actor ang pagkakataong ito. Ang daming young actors na handang saluhin ang kanyang pwesto kung tuluyan niya itong pababayaan.