• Home
  • Fresh Scoops
  • Chavit Singson disapproves of Manny Pacquiao’s decision to run for Senator

Chavit Singson disapproves of Manny Pacquiao’s decision to run for Senator

Former Ilocos governor Chavit Singson does not want Manny Pacquiao to seek higher office

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/14/2015 8:46 AM
Chavit Singson disapproves of Manny Pacquiao’s decision to run for Senator


101415-CHAVIT_main.jpgIsa si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa malalapit na kaibigan ng People’s Champ na si Manny Pacquiao at hindi itinatago ni Manong Chavit na hindi aprubado sa kanya ang pagtakbo ni Pacman bilang senador para sa 2016 elections.

"Malaki na ang naitulong at napatunayan niya sa ating bansa yun lang ay sapat ng ambag niya baka masira lang ito dahil sa intrigahan kung mas mataas na posisyon sa pulitika ang takbuhan niya. Pero kung yan ang desisyon niya susuporta pa rin ako sa kanya"

Sa personal na buhay, nilinaw naman ni Manong Chavit ang nagbibigay kulay sa pagiging malapit nila ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

"Kami ni Pops ‘wag sana nila bigyan ng kulay ang pagkakaibigan namin. Tinutulungan ko nga yan na makahanap ng love life. Totoo na lumalabas kami pero grupo kami at mga kaibigan yan."

Mukhang ang pagiging match maker ng mga single na kaibigan sa showbiz ang nagiging hobby ngayon ni Gov Chavit na nagtagumpay siya sa isa pang showbiz friend na si Vina Morales na inireto sa present BF, ang French businessman na si Marc Lambert.

"Noong una ayaw pa nga ni Vina dahil mahiyain yan pero noong na invite ko siya sa isang dinner para makilala si Marc maaga natapos ang trabaho niya that day kaya ayun nagkakilala na sila. Unang kita pa lang nila nakita agad na magkasundo sila at masaya sila ngayon."

Hindi na tatakbo sa anu mang posisyong pulitika si Chavit Singson at wala pa siyang napipisil na presidentiable na susuportahan.

Main Photo credit to http://thepinoy.com/