• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano on his three daughters: ‘I miss them more than my life’

Cesar Montano on his three daughters: ‘I miss them more than my life’

Cesar Montano says he is unhappy about not being able to see his three daughters.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2015 4:55 AM
Cesar Montano on his three daughters: ‘I miss them more than my life’


101415-CESAR_main.jpgNagpainterbyu sa ilang member ng entertainment press si Cesar Montano sa pocket presscon for the his MMFF movie titled Nilalang with Maria Ozawa na showing sa December 25 at hindi naman nagdamot ang actor na sagutin ang ilang tanong sa kanya.

Kumusta na ba ang kanyang personal life ngayon?

It’s very personal,” pabiro niyang pahayag kaya nagtawanan ang press.

Kumusta ang relasyon niya sa anak na si Diego Loyzaga?

“Okey kami, lagi kaming nagkokonek, negte-text kami. Very busy na siya. I’m very proud about my son, kakapanalo niya lang sa Famas, ang ganda ng career niya and I’ve been hearing a lot of good feedbacks about his acting, about his performance, ang galing. Tuwang-tuwa ako,” balita pa niya.

“Tuwing magkikita naman kami non, laging parang nag-a-acting workshop kami, nagkukwentuhan lang kami, ganu’n kami.”

Nabanggit ni Buboy na balak din daw ni Diego na bumili ng bahay ngayon.

“Nakatira kasi siya sa bahay ko, ngayon, gusto niyang bumili ng bahay. Ando’n siya sa isang bahay ko sa Scout area, siya yung nakatira do’n.

I love my son. I’m very proud about my son! Mahal na mahal ko yung anak kong yon,” dagdag pa niya.

How about his relationship sa tatlo niyang babaeng anak kay Sunshine Cruz?

“Well, now, wala pa akong masasabi do’n kasi sinama ng dati kong asawa yung pangalan ng tatlong anak ko sa case namin so that’s inside the circle of gag order kaya wala akong masabi, although I hate the idea, wala akong magagawa,” pagtatapat ng actor.

Gusto man daw niyang makipag-communicate at mag-reach out sa mga anak na bahagi ng agreement nila noon ni Sunshine pero hindi raw ito tinutupad ng dating asawa.

 “As a father I have to do it, but I have no choice kasi ever since na lumaki sila, pinanganak sila, it has been my passion. Pero yon ang hindi nila ginagawa (makipag-communicate).

Kailan ba niya huling nakita ang mga anak?

“Matagal na po,” pag-amin pa niya. “Buti na lang naggo-golf ako, nagpe-paint ako, may pelikula. But if you’re going to ask me kung sa part na yon, kung masaya ako, I’m not!” bulalas niya.

“I miss them more than my life. Malungkot!” emosyonal na pahayag pa ng actor.