Who is Angel Locsin supporting in the 2016 elections?

Angel Locsin accompanies cousin to file Certificate of Candidacy

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/13/2015 8:38 AM
Who is Angel Locsin supporting in the 2016 elections?


101315-ANGEL_main.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, nagfile na ng certificate of candidacy (COC) ang ilang mga artista na tatakbo ngayong nalalapit na 2016 elections.

Kabilang dito sina Councillor Charee Pineda na tatakbong muli bilang Councilor sa Valenzuela; si re-electionist Quezon City 5th district Representative Alfred Vargas; Si Jomari Yllana na tatakbo bilang konsehal at independent candidate sa Paranaque first district; at si re-electionist Vice Governor Jolo Revilla na nag-file ng candidacy kasama ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Nagkagulo naman ang media ng samahan ni Angel Locsin sa pagfile ng COC ang pamangkin niya na si Neri Colmenares na tatakbo sa ticket ni Sen. Grace Poe. Ayon kay Angel, “I really believe in her.”

Nang tanungin siya kung makakapekto ang pagsuporta niya sa pamangkin niya sa schedule niya bilang artista, ang sagot ni Angel ay, “No, naman. Alam ko naman kasi ang priorities ko. Kailangan natin ng pagbabago sa bansa natin.”

Full support rin si Angel sa kandidatura ni Vilma Santos na tatakbo bilang Congressman sa lone district ng Lipa, Batangas.