• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado is looking for a new leading man for an indie film

Iza Calzado is looking for a new leading man for an indie film

Iza Calzado says she is set to do a teleserye in 2016.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/13/2015 8:41 AM
Iza Calzado is looking for a new leading man for an indie film


101315-Iza_main.jpgMatapos ang Etiquette for Mistresses na showing pa rin ngayon sa mga sinehan, isang indie film ang pagtutuunan ng pansin ni Iza Calzado. Kakaiba ang proyektong ito dahil magpapa audition ang producers ng bagong mukha para maging leading man ni Iza.

"Yes may gagawin kaming indie film ang title nito Buhay Habang Buhay under the direction of Paolo Herras. We are still looking for my leading man, pwedeng bagong mukha, taga theater, pwede rin non actors we are looking for someone who is perfect for the part. Hintayin nila ang schedule at ang announcements tungkol dito."

Sa kanya namang career sa telebisyon, nagpasalamat si Iza dahil pinaka-mataas na ratings so far ng Ang Probinsyano ang naitala noong martes.

"Nakaka-proud at nakakawala ng pagod kapag maraming tao ang nakakapanood ng mga pinaghihirapan mo at ng mga kasama mo kaya maraming maraming salamat. Abangan pa nila marami pang malalaking scenes sa Ang Probinsyano.” 

Isang teleserye rin ang naka planong gawin ni Iza sa ilalim ng Dreamscape sa January 2016 kayat sasamantalahin muna ni Iza na magpahinga sa ibang bansa ngayong Christmas Season kasama ang kanyang non-showbiz na boyfriend bago muli humarap sa trabaho.