Daniel Padilla is excited about voting for the first time

Daniel Padilla says that Kathryn Bernardo is also excited about voting for the first time.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/13/2015 8:44 AM
Daniel Padilla is excited about voting for the first time


101315-DANIEL_main.jpgExcited na si Daniel Padilla na bumoto sa 2016 May election. First time registrant din ang actor kaya napili siya ng National Movement of Young Legislators Alumni (NMYLA) para kanilang advocacy online video campaign.

Layunin ng infomercial na hikayatin ang lahat ng mamamayan na magparehistro lalo na yung mga first time na boboto. Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa October 31 na lang.

May napipisil na ba siyang iboboto sa darating na eleksyon? Sinu-sino ba ang politikong kanyang susuportahan?

“Ako siyempre, very excited. Unang-una, karapatan nating bumoto. Ang bawat tao may karapatang bumoto at siyempre, sino bang mamimili sa mga dapat mamahala kungdi tayo rin naman. So very excited ako, isa siyang privilege na gawin,” pahayag ng actor na hindi muna nagbigay ng pangalang susuportahan sa eleksyon.

Ayon pa kay Daniel, first time ding boboto ng ka-love team niya sa Pangako Sa ‘Yo at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo. Excited din daw itong bomoto sa Mayo.

Natanong din si Daniel kung ano ang reaksyon niya sa matinding kompetisyon ngayon ng iba’t ibang love teams tulad ng kanilang Kathniel ni Kathryn, Jadine nina James Reid at Nadine Lustre at maging ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon kay Daniel, as much as possible, ayaw daw niya ng kompetensiya.

“Ever since naman na nagsisimula ako, ayoko ng… hindi ako nag-aano sa kumptensiya, kasi nga, matagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin.

“Sa atin ‘yan, eh, di ba?  Kesa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo magaaway-away?” katwiran niya.

“Saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh, kaibigan ko rin ‘yang mga yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban tapos kami-kami rin nag-uusap,” dagdag pa niya.

Hindi rin pabor si Daniel sa mga fans na naninira at nangba-bash ng kapwa-artista.

“Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan. Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang-bad vibes ng tao.

“Pangit ng trip na ganun. May nagge-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo tong taong ‘to? Wala kang happiness don, nagkakaroon ka lang mga points papuntang impiyerno,” sey ng young actor na sinundan ng cute na ngiti.