Kim Chiu and Piolo Pascual to team up in one movie

Every one was surprised with Piolo's cameo role in "Etiquette for Mistresses."

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/13/2015 6:10 AM
Kim Chiu and Piolo Pascual to team up in one movie


101215-PIOLOKIM_main.jpgPanggulat at marami ang kinilig sa cameo role ni Piolo Pascual bilang "forever" ni Kim Chiu sa isa sa mga huling eksena ng pelikulang Etiquette for Mistresses. Ayon kay Piolo biglaan lang ang pagkakasama niya sa pelikula at mabilis lang na nakunan ang eksena

"Im a Star Cinema baby kaya suporta natin yun. Sandali lang na shoot ang scene na yun namin ni Kim and narinig ko nga na may project na binubuo para sa amin dalawa," kwento ng aktor. 

Para naman kay Kim, ikinagulat niya ang nasabing development na pagsasamahin sila ni Piolo.

"Ay talaga po! Naku! Lahat yata ng nasa showbiz gusto makatambal si Piolo at kapag nangyari yun in na in ka sa showbiz," masayang banggit ni Kim. 

Aasahan naman daw na naka suporta pa rin ang KimXi fans nila ng ka tandem na si Xian Lim kahit na iba na muna ang kanilang mga partners. 

"Naintindihan nila yun na kailangan maka-trabaho rin namin ang ibang mga artista. Si Xian may project ngayon, si Angel (Locsin) naman ang leading lady niya. After noon kami naman ulit ang magka-partner sa isang teleserye for next year," dagdag pa ng young star. 

Wala pang title at detalye na maibigay sina Piolo at Kim sa kanilang pagsasamahan na project basta ang mahalaga ay positive ang dalawa sa kanilang unang team up sa pelikula.