Regine Velasquez not expecting to have another baby

Regine Velasquez says Ogie Alcasid wants to be a public servant, not a politician.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2015 10:13 AM
Regine Velasquez not expecting to have another baby


101015-reginevelasquez_PUSH.jpgGusto na ulit magkaroon ng anak ni Regine Velasquez pagkatapos isilang ng panganay nilang anak ni Ogie Alcasid na si Nate. Kaya lang, hindi na raw siya nag-i-expect na mabubuntis ulit siya.

“We’re trying pero hindi ko ine-expect, hindi ko kinakarir,” reaksyon agad ni Regine.

“Kasi, like lagi kong sinasabi, if God wants to grant us another child, we’ll be so happy. Kung hindi naman, I’m okay. Hindi ko po siya kinakarir, kasi mas mahirap ‘yun, eh. ‘Yung karirin mo tapos ayaw, you’d be more frustrated,” patuloy niyang pahayag.

Lahat daw ay ipinagpapasa-Diyos na lang niya ngayon lalo pa nga na she’s already in her 40s.

“My motto is the same. If God wants us to have another child, we’ll be so happy. Kung hindi, my God, Nate is more than enough,” sey pa niya.

Kinonsider ba nila ni Ogie noon na dumaan sa medical procedures para magkaanak?

“Actually, nu’ng nag-asawa kami, nu’ng nagpakasal kami, we were considering it then, kaya lang, dumating naman na si Nate kaya wala na.

“Talagang Nate is a gift from God, na talagang hindi na ako dumaan doon (medical procedures). Thank God kasi that’s a difficult procedure, eh, lalo na sa babae. So ngayon, yung asawa ko... parang hindi na rin kami... we’ll just keep trying... happy lang, ang saya.

“Kung mabubuntis, mabubuntis, kung hindi, hindi. Okey na kami,” masaya niyang kuwento.

Natanong na rin namin si Regine sa isyung ayaw daw niya na pasukin ni Ogie ang pulitika. Ano ba talaga ang stand niya tungkol dito?

“Hindi totoo ‘yan,” sagot agad niya.

“Kasi, I’m very supportive. I ask him if he wants to run, even if I don’t like him to run, I will support him and he knows that.

“But he’s decided not to talaga. He has decided long time ago that he wants to be a public servant, not a politician,” paglilinaw ng Songbird.

Samantala, abala na ngayon si Regine sa paghahanda para sa kanyang series of shows sa Solaire Hotel na pinamagatang Regine At The Theater sa November.