Is Jennylyn Mercado open to a relationship with Sam Milby?

Jennylyn Mercado on possibility of dating Sam Milby: ‘Aba’y bakit hindi’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/2/2015 6:07 AM
Is Jennylyn Mercado open to a relationship with Sam Milby?


100115-SAMJEN.jpgMukhang tinamaan nga itong si Sam Milby sa leading lady niyang si Jennylyn Mercado sa pelikulang The PreNup ng Regal Entertainment. Hindi maitago sa kilos ng actor na type niya si Jennylyn.

Ayon pa sa binata, si Jennylyn daw ang tipo niyang babae.

“Jennylyn is every guy’s dream. Sa totoo kasi, she’s outgoing, she’s sporty, ako, that’s my type talaga,” pagde-describe ni Sam kay Jennylyn.

“I really love girls na very outgoing, especially ‘yung mga sports na gusto ko, MMA (mixed martial arts), di ba? Astig talaga ‘yung babaeng nagma-martial arts, napakabait pa,” dagdag na pahayag ni Sam.

Ngayong tapos na ang syuting ng The PreNup at ipalalabas na ang pelikula sa October 14, wala na raw dahilan para hindi niya i-pursue si Jennylyn.

“Ako, I think na hindi dapat na parang just because may project, dapat maging kayo? Dapat sana, sa labas ng project di ba? Pag wala nang project together,” paliwanag niya.

“Pero ngayon, tapos na ang shooting namin together. So, tapos na. Tapos na, pwede na. Pwede na ngayon kasi tapos na,” pahayag ni Sam habang nakatingin sa leading lady. Halata namang medyo kinikilig din si Jennylyn habang nagsasalita si Sam.

“Sam, huwag dito, pwede, mamaya na lang tayo mag-usap?” natatawang pakiusap ni Jen.

Eh, ano ba talaga ang tingin niya sa naging pahayag ni Sam?

“Teka, nawala ako sa sarili, eh,” natatawa niyang pahayag. “Nagulat ako kay Sam kasi, sabi ko, dapat sa Viber na lang.”

Posible ba siyang ma-in-love kay Sam?

“Si Sam naman, Diyos ko naman, napakabait, gentleman, saka wala akong masasabi. Kumbaga, pwede. Paano ko ba ie-explain? Pwede,” sagot pa niya.

Ayon kay Sam, wala siyang girlfriend ngayon. Ang magiging problema na lang siguro ay kung may karelasyon ngayon si Jennylyn.

“Free naman po. Wala po, wala talaga,” diin pa niya.

When asked kung pwede bang manligaw sa kanya si Sam ang sagot ng aktres ay, “Aba’y bakit hindi, ano? Okay lang,” nakangiti niyang pagtatapos.

Samantala, ang The PreNup ay sa direksyon ni Jun Lana. Kasama rin sa pelikula sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Ella Cruz at Dominic Ochoa.

Main Photo credit to samuelmilby IG