• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Regine Tolentino is first celebrity to be licensed zumba instructor

EXCLUSIVE: Regine Tolentino is first celebrity to be licensed zumba instructor

Regine Tolentino talks about her new career as a zumba instructor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/1/2015 6:04 AM
EXCLUSIVE: Regine Tolentino is first celebrity to be licensed zumba instructor


093015-REGINE_main.jpgFour years na palang licensed zumba instructor si Regine Tolentino. Siya rin ang first celebrity sa showbiz na nagtuturo ng zumba.

Nagsimulang magkainteres si Regine sa zumba nang mag-invite siya ng zumba instructor sa kanyang studio. “Na-in love ako sa workout hanggang nagpaturo na ako. Everyday na akong nagsu-zumba, naging adik talaga ako.

“Nag-umpisa ako as a student, tapos nu’ng nalaman ko na puwede palang maging licensed instructor, nagpa-license ako, nag-aral po ako,” kuwento ni Regine sa Push.com.ph.

Ano ba ang nakukuha niyang satisfaction sa pagsu-zumba?

“Sobrang enjoy talaga, hindi mo nararamdaman na nag-burn ka na ng 500 to 800 calories. Happy vibes lang, alam mo ‘yon... nag-enjoy lang lahat. Very easy to do, kahit mga bata, kayang-kayang gawin,” sey pa niya.

Natutuwang ibinalita rin ni Regine na ginawa niyang career ang pagsu-zumba.

“Naging career ko na rin ang pagsu-zumba and it’s really so popular ngayon. Lahat ginagawa, mula mayaman hanggang mga simpleng tao.

“Medyo napabayaan ko rin ng konti ang showbiz career ko dahil fully booked talaga ako sa zumba and I’m so blessed dahil ang daming sumusuporta, maraming mga projects, nanganganak, eh, yon naman talaga yung vision ko.

“Ang advocacy ko is for fitness, for wellness, to inspire women, to be healthy and to feel good about themselves and makalimutan nila yung mga problema nila sa bahay.”

Marami na rin daw siyang tinaggihang acting project dahil sa bago niyang career.

“Actually, right now, hindi ako makapag-soap because my schedule for zumba is so tight, especially nowadays, campaign season and all that. Pero next year, magpo-focus ulit ako sa acting because I have a big project, movie naman yon and excited naman akong gawin ‘yon,” balita pa niya.

May concert si Regine at ang iba pang kaibigang zumba instructors na pinamagatang Z Star Ball na gaganapin sa Makati Sports Club on October 9, 7 pm to 12 midnight. Produce ito ng 4.0 Events Management at ng kanyang RT Studios.

“Nag-start siya muna as appreciation for zumba instructors, may mga ginagawa kaming special awarding for instructor para makilala sila nationwide hanggang maging international na yung appeal niya.

“We decided na imbes na yung usual fitness party na ginagawa sa mga events place, ginawa na naming itong red carpet. Makikita nilang naka-formal dress ang mga zumba instructors,” sey pa niya.

Main Photo credit to reginetolentino IG