• Home
  • Fresh Scoops
  • John Estrada says he should have done more research for his role in ‘Tragic Theater.’

John Estrada admits he’s not happy with his portrayal of a priest in ‘Tragic Theater’

John Estrada says he should have done more research for his role in ‘Tragic Theater.’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/09/2015 11:05 PM
John Estrada admits he’s not happy with his portrayal of a priest in ‘Tragic Theater’
011015-john_main.jpgSa Aquino and Abuna Tonight, pinagusapan ni John Estrada ang role niya bilang pari sa pelikula ni Direk Tikoy Aguiluz na Tragic Theater. Biro ni John, “walang kahirap-hirap” para sa kanya ang role ng isang pari dahil sabi niya, “I’ll just be myself.” Ngunit inamin niya na hindi siya gano’n ka-happy sa acting niya dahil sana raw ay sinunod niya ang payo ng kanyang asawa na si Priscilla Meirelles na mas mag-research pa para sa kanyang role.

Kinuwento rin niya na siya ang kabatuhan ng linya ni Andi Eigenmann nang mahulog ito mula sa harness. Dagdag ni John, mas mataas pa sa 10 feet ng kinahulugan ni Andi at swerte ito na nahulog siya sa gitna ng cuchions. Para raw itong niligtas ng isang anghel at nung oras na yun e mga isang linggo pa lang kamamatay ang ama ni Andi na si Mark Gil.

Malapit na ang fourth wedding anniversary ni John at ni Priscilla at ayon kay John masaya ang kanyang marriage.