• Home
  • Fresh Scoops
  • Mr. Pure Energy says Pope Francis' presence in the country is a blessing.

Gary Valenciano is looking forward to the Papal Visit

Mr. Pure Energy says Pope Francis' presence in the country is a blessing.

Gary Valenciano is looking forward to the Papal Visit-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/10/2015 01:00 AM
Gary Valenciano is looking forward to the Papal Visit
011015-gary_main.jpgKung halos lahat ay looking forward na sa papalapit na Papal Visit dito sa ating bansa na magaganap sa January 15 hanggang 19, ganito rin ang nararamdaman ngayon ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Ayon kay Gary, malaking blessing sa ating bansa ang pagbisita ng Santo Papa.

“The Pope is going to come and give words that are very encouraging for us Filipinos. We will always have room in our hearts para sa mga ganoong klaseng salita na galing sa kanya.”

Pero mas excited si Gary na makita at ma experience ni Pope Francis pagdating niya sa Pinas ang mainit na pagsalubong ng ating mga kababayan at maramdaman niya ang matibay na pananampalataya ng mga pinoy sa Panginoon.

“I know its going to be very memorable for him dahil makikita niya ang mainit na pagmamahal ng mga Pinoy sa Panginoon makikita at mararamdaman niya.”

Fresh mula sa matagumpay niyang concert sa Palawan na una niyang major activity para sa 2015, nagpapasalamat si Gary sa lahat ng mga kababayan na sumuporta sa kanya sa one night concert last January 8 na naganap sa Puerto Princesa Coliseum. Isa sa mga nakasama niya ay ang anak na si Gab Valenciano na siyang music video director ng Fil-Am singer na si Jessica Sanchez sa bago niyang single na “This Love”.

“That’s great, parati niya pinapanood sa bahay that’s what keeps him busy ngayon ini edit na niya ang video that’s a new thing for him to do and I’m thankful that he’s been given the chance to do it and I believe it’s just the beginning of bigger things up ahead”

Halos apat na minuto ang running time ng music video na ito ni Jessica na naging viral sa mga social media sites.