• Home
  • Fresh Scoops
  • Angela Velez designs for her successful clothing line Miss Behave Girls

Angela Velez is proud of her clothing line Miss Behave Girls

Angela Velez designs for her successful clothing line Miss Behave Girls

Angela Velez is proud of her clothing line Miss Behave Girls-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/08/2015 08:56 AM
Angela Velez is proud of her clothing line Miss Behave Girls
010815-angela_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, mayroon ng isang successful clothing line ang dating Pinay aktres na si Angela Velez. Ang Miss Behave Girls ay gumagawa ng mga trendy clothes for tweens. Ayon kay Angela, siya mismo ang nagde-design at gumagawa ng patterns. Two years na diumano ang company nila ng kanyang asawa at inaral niya ang lahat ng areas ng business nila, pati na ang pagtahi.

Sinusuot rin ng “It Girl” ang kanyang mga damit. Kwento ni Angela, isang ex-deal ang pagsuot ng “It Girl” ng Miss Behave Girls dahil tinawagan siya nito dahil gusto nilang gamitin ang naturang clothing brand sa competition na Dance Moms.

Diumano, nang mag-suffer ang economy sa States ay bumagsak ang negosyo ng asawa niya kasi ang mga clothing stores e dumirecho na sa pagkuha ng damit sa mga factory. At nang sinubukan namang pasukin ng asawa niya ang manufacturing business ay hindi naman naging maganda ang kinalabasan ng designs. Kaya naman ngayong si Angela na ang nagde-design ay patok na patok na ang Miss Behave Girls.

Meron nang dalawang anak na lalaki si Angela at 10 years na siyang happily married. Namimiss din daw niya ang pag-aartista at pag-perform pero lahat nang namimiss niya ay pinapagawa na lang niya sa kanyang mga models katulad ng pagsayaw. “Pampered” din niya ang mga ito. Umaasa rin si Angela na madadala niya ang Miss Behave Girls sa Pilipinas.