• Home
  • Fresh Scoops
  • Jamie says being the 'Inspirational Diva' does not mean she's a saint.

Jamie Rivera says 2015 Papal Visit is the highlight of her career

Jamie says being the 'Inspirational Diva' does not mean she's a saint.

Jamie Rivera says 2015 Papal Visit is the highlight of her career-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/07/2015 02:51 AM
Jamie Rivera says 2015 Papal Visit is the highlight of her career
010715-jamie_main.pngMagkasabay na inilunsad at ibinigay ang Gold Record award para sa "We Are All God's Children" album ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera sa ASAP 20 noong Linggo. Ilang araw na lang ang bibilangin at darating na si Pope Francis sa Pilipinas kayat isa sa pinaka excited ay si Jamie na kakanta sa dalawang events na dadaluhan ng Santo Papa.

“Masaya ako at I feel very blessed and excited dahil padating na ang Pope at marami ng bata ang nakakaalam ng kanta so natutuwa ako at least katulad ng Jubilee Song before at ng Only Selfless Love yung mga kumanta noon kahit papaano kilala pa rin nila ako dahil nasa 20s na sila ngayon diba? So ngayon ang mga bata naman ngayon ang makaka witness ng We are All Gods Children hanggang paglaki nila maaalala pa rin nila ang kanta.”

Bilang singer, masasabi ni Jamie na ito na ang pinaka mataas na bahagi ng kanyang career at di niya makakalimutan habang nabubuhay.

“I think this is the highlight of my career talaga kaya nga iniisp ko sabi ko siguro after this, 'We are All Gods Children,' pagkatapos ng Pope at kapag may sumunod pa, baka hindi na muna ako, parang ano na kasi ito na ang finale or highlight na talaga ito, kasi kailan pa tayo bibisitahin ulit ng susunod na Santo Papa hindi natin alam 'di ba? Siguro matanda na ako so iniisip ko sa generation ko, sa age ko na ito, ito na siguro iyun.”

Bilang Inspirational Diva, ipinaliwanag ni Jamie na tao pa rin siya na napapagod at nagbibigay reaksyon sa mga nangyayari sa kanya.

Sometimes kasi may temper ka pa rin, strict din ako kasi people are expecting that santa-santa ka ganun which is hindi naman, nagre-react din ako kapag hindi na proper ang ginagawa ng mga tao so expect din ng mga tao na tao lang ako na marunong din ako magdamdam, magalit marumong pa rin mag-react.”

Sakali daw na magkaroon ng pagkakataon si Jamie na makausap si Pope Francis, ito ang kanyang sasabihin.

“Magpapasalamat ako sa kanya na dinalaw niya tayo kasi he unite us again as a family as a nation and he is coming in peace so this is something that we should all look forward too and we should all feel blessed that we will be visited by the Pope nagpapasalamat ako at the same time sasabihin ko na we are also praying for you and please continue praying for our country.”