• Home
  • Fresh Scoops
  • PNoy reveals some of the women he dated plus things he would do after his Presidency in his interview with Vice Ganda.

PNoy reveals women he dated; wants to go on vacation in Boracay

PNoy reveals some of the women he dated plus things he would do after his Presidency in his interview with Vice Ganda.

PNoy reveals women he dated; wants to go on vacation in Boracay-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/05/2015 10:58 AM
PNoy reveals women he dated; wants to go on vacation in Boracay
010515-PNOY_main.jpgLast Sunday sa Gandang Gabi Vice, game na ipinakita ni President Benigno “PNoy” Aquino III ang kanyang non-serious side. 

Ni-reveal ni PNoy ang mga bagay na hindi usually alam ng publiko tungkol sa kanya. Sinabi niya na seryoso talaga siya pagdating sa trabaho ngunit marunong naman siya tumawa. Nagkaroon din siya ng isang “normal upbringing,” na nalimitahan noong under martial law ang bansa. Ayon sa kanya, Grade Six siya noong napailalim ang Pilipinas sa martial law. 

Kwento pa ng Pangulo,  naabutan niya ang pinakaunang electronic game na “pong.” Sa “Poveda” raw siya nag-kinder and simula grade school hanggang College ay Ateneo De Manila University ang kanyang naging eskwelahan. Hindi raw alam ni PNoy kung bakit blue ang eagle na emblem ng Ateneo. At ayon sa kanya, hindi sosyal ang mga Atenista kundi “ang kabilang eskwelahan.” 

Kung laban naman sa UAAP (University Athletic Association of the Philippines) ang pag-uusapan, sa bahay lang nanonood si PNoy dahil bilang Presidente ay kailangan “neutral” siya. Hindi niya hinihiling na matalo ang De La Salle University, pero ipinagdadasal daw niya na manalo ang Ateneo. 

Mahilig rin si PNoy sa kotse, at noong “bata pa” siya ay tumakas siya at nagmaneho siya hanggang Tarlac. Kaya raw siya tumakas ay para maramdaman na “normal ang buhay at in control” siya.

Tanggap ni PNoy ang kanyang receding hairline at “nababanggit” pa niya ito sa ilang mga speeches. Galing diumano ito sa genes ng mga Cojuangco. 

Naging teacher ni PNoy si former President Gloria Macapagal Arroyo sa Economics class at naalala ni PNoy na ang finals nila ay “isang libro, isang tanong.” Mahirap diumano ang subject under GMA pero hindi naman masungit si GMA, bagkus lagi itong nakangiti. Hindi rin daw niya ginawang “gayahin” ang facial expressions ni GMA. (continued on next page)
010515-PNOY_main.jpgSa bahay naman nila, tinaguriang “jack of all trades” si PNoy, hindi dahil sa masipag siya kundi dahil “dakilang alalay” siya. Pantay-pantay din ang pagtingin ni PNoy sa kanyang mga kapatid na babae, ngunit amindao siya na iba ang pagturing nilang lahat kay Ate Ballsy nila dahil ito na ngayon ang tumatayong Nanay ng pamilya. Pagbibiro pa ni PNoy, “I’m sure kapag tinanong mo sila ako ang best brother nila.” Nag-iisang lalaki lang si PNoy sa pamilya nila. Inamin ni PNoy na pinaka-close sa kanya si Joshua na anak ni Queen of All Media Kris Aquino. Ang dahilan ay “siya ang pinaka-carinoso.” Hindi rin alam ng iba na mahilig mag-joke si PNoy sa kanyang mga pamangkin. 

Game rin na kumanta si PNoy ng ilang linya mula sa “Estudyante Blues” at nang purihin ni Vice ang kanyang boses sinabi ni PNoy na niyaya siya noon ni Apl De Ap na mag-record kasama siya ngunit tinanggihan niya ito at sinabing “napaka-hit mong tao, isasama mo pa ako.” 

Bilang Presidente ng bansa na maraming batikos at problemang kailangan harapin, importante kay PNoy na sa bawat araw alam niya na nagawa na niya ang lahat na pwede niyang gawin. Hinahati rin ni PNoy ang mga tao, ang iba ay kahit anong gawin mo ay hindi mo mape-please at meron namang iba na iaangat ka at tutulungan ka. Gumagaan diumano ang stress ng Pangulo kapag may nakakasama siyang mga bata, nagkwento pa siya ng isang street child na ang iniregalo sa kanya ay isang “hug.”

Noon daw, target ni PNoy magka-asawa sa mga edad na 24 at 30, at ngayong 42 years old na siya ay ayaw na ni PNoy ng “nagtatarget.” Gusto rin niyang mapangasawa ang mas bata sa kanya para may chance na magka-anak pa sila. Hindi rin kinaila ni PNoy ang panliligaw niya sa mga broadcast journalists na sina Bernadette Sembrano at Korina Sanchez. Hindi naman daw siya mahilig sa mga journalists, nagkakataon lang daw na ganun ang profession nila. Pagbibiro naman ng Pangulo, kung si Doris Bigornia naman daw e “friends” lang ang status nila. (continued on next page)
010515-PNOY_main.jpgDiretso ring ibinahagi ni PNoy na ang last breakup na pinagdaanan niya ay “several months ago.” 

Tinanong ni Vice kung gaano karaming floorwax ang ngagamit sa Malacañang dahil napaka-kintab daw ng sahig nito. Pagbibiro naman ni PNoy, “natatanong ko nga minsan sa sarili ko, pag nagasgas kaya to kasalanan ko rin?” 

Sa fast talk portion naman ng usapan, inamin ni PNoy na naging “sila” ni Grace Lee. Nang i-flash ang picture ng fashion stylist na Liz Uy, na isa rin sa mga babaeng na-link kay P-Noy, sinabi lang ni P-Noy na successful ang naging pagkakaibigan nila. Nang inilabas naman ang picture ni Kris, sinabi ni PNoy na “interesting” ang buhay ng kanyang kapatid. 

Ang ordinaryong  araw naman sa buhay ni PNoy ay nagsisimula sa pagbabasa niya ng mga dyaryo at ang first meal of the day niya ay lunch. Pagkatapos diumano ng kanyang termino ay gusto niyang dalawin ang nagagandahang mga tourist places sa Pilipinas, makabalik ng Boracay at maapakan ang beach. 

Naging seryoso naman si Vice bago magtapos ang usapan at pinuri nito si PNoy at sinabi na hindi man perpektong Presidente si PNoy, si PNoy pa rin ang pinakamatinong naging Presidente ng bansa matapos ang kanyang Nanay na si Pres. Corazon Aquino. Pagtatapos ni Vice, “Nakakatulog ako kasi nakakasiguro akong hindi ako ninanakawan ng pangulo.”