• Home
  • Fresh Scoops
  • MJ says people should think positive and continue to support future beauty queens.

MJ Lastimosa on her Miss Universe gown: 'I should be fabulous in whatever gown that I'm wearing'

MJ says people should think positive and continue to support future beauty queens.

MJ Lastimosa on her Miss Universe gown: 'I should be fabulous in whatever gown that I'm wearing'-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/30/2015 02:53 PM
MJ Lastimosa on her Miss Universe gown: 'I should be fabulous in whatever gown that I'm wearing'
013015-maryjean_main.jpgNakabalik na sa bansa si Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa mula sa Miami, Florida kung saan siya lumaban bilang kinatawan ng Pilipinas sa 63rd Miss Universe Pageant.

Sinalubong natin si MJ sa airport at agad naman ito nagpa interview.

Unang tanong natin sa kanya ay kung totoo ba ang bali-balita na sinigawan siya ni Mrs. Stella Marquez-Araneta backstage ng Miss Universe dahil ayaw niya isuot ang gown na ipinasusuot nito.

“Kung ano na lang ang napanood nila yun na lang kasi kapag nag dwell pa tayo sa mga kung ano anong stories na mga naririnig natin, it's not gonna help us, so let's focus on the things that will make us happy. Na appreciate ng buong mundo kung paano lumaban ang isang Filipina na malayo rin ang nararating natin every time, na we are such a strong country and contender, na talagang inaabangan tayo every year, so lets focus on the things that will help our future candidates to be better in their time when they compete and not focus on the things na makakapagpa-negative lang,” paliwanag ni MJ. 

Naging makahulugan naman ang sagot ni MJ sa tanong na maiiba kaya ang resulta ng Miss Universe kung ang pink gown na gusto niya ang kanyang isinuot.

“Kung mayroon second chance let's try and let's see whats gonna happen para ma compare natin, if it’s the white gown or the pink gown. Pero hindi naman ako si Lord to say na if it’s the pink gown I'm gonna win.”

Pero ano pa man ang nangyari, naging masunurin pa rin si MJ sa mga desisyon ng mga nakapaligid sa kanya.

I respect Mrs. Araneta and I believe na as the director and franchise holder, it's her decision kung ano man ang gusto niyang pamamalakad sa Binibining Pilipinas. Ako naman being the representative that was chosen, sinasabi ko sa sarili ko na whatever is given to me, I’m really gonna fight the best that I could. So hindi ko na iniisp ang mga bagay na isusuot ko na dapat fabulous ako. I should be fabulous in whatever gown that I’m wearing you know.”

Mensahe naman ni MJ sa kanyang fans na itigil na ang mga negatibong comments at mag move on na sa pagtulong sa mga future beauty queens ng bansa.

The only reason na bakit ako nalungkot is because there's a lot of Filipinos there sobrang dumadagundong ang venue every time na lumalabas ako dahil sobrang warm ang support na ibinigay nila sa akin and a lot of Filipinos were praying for the crown. Iyan ang reason kung bakit gusto ko ulitin para manalo alam mo yun kung sila ang reason kung bakit gusto ko manalo. Kung ako lang kaya ko eh, ang dami ng failures sa buhay ko, wala na sa akin iyun. Malay mo next year we can finally win the crown.