• Home
  • Fresh Scoops
  • Empress Schuck admits her acting skills were honed in ABS-CBN

Empress Schuck admits her acting skills were honed in ABS-CBN

The actress says she will be forever grateful to her former network.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/29/2015 9:14 PM
Empress Schuck admits her acting skills were honed in ABS-CBN


012915-emp_main.jpgSumabak na kaagad ang dating Kapamilya actress na si Empress Schuck sa daring role at pagiging kontrabida sa unang programa niya na Kailan Ba Tama Ang Mali sa ibang network. Bago umalis sa ABS-CBN ay napasama pa si Empress sa Huwag Ka Lang Mawawala, series ni Judy Ann Santos.
 
“Kabado ako, kasi parang ‘Oh my God, ginawa niya iyon?’ Natural lang naman yung ganu’ng pakiramdam. Kasi nu’ng nasa ABS-CBN ako, hindi naman ako naging daring do’n, hindi pa ako nakipag-kissing scene, ngayon ko lang talaga ‘yon ginawa,” umpisa niyang pahayag sa PUSH.
 
Naikuwento rin ng aktres kung paano siya nagpaalam sa ABS-CBN bago lumipat sa ibang network.
 
“Kinausap ni Tita Becky (Aguila) ang ABS, kung anong plano sa akin. They told us to wait, kung willing daw kaming maghintay, eh, di okey daw. Pero kung may offer naman daw, go naman daw. So nagpaalam naman kami nu’ng nag-offer na yung GMA. Nagpaalam kami and okey lang naman daw, so, siguro ‘yon na yung sign talaga,” pagre-recall pa ng aktres.
 
Sa pag-alis ni Empress sa ABS-CBN hindi raw maiwasang may mga nami-miss din siya sa dating home network.
 
“Ang nami-miss ko sa kabila is yung pagiging komportable ko siguro. Kasi do’n talaga, alam ko na kung saan ako pupunta, kung sino ang kakausapin ko, hindi ko na kailangan ng alalay. Eh, dito medyo nangangapa pa ako… kahit anong galaw ko, tatanungin ko pa rin.”
 
Proud namang sinabi ni Empress na ang mga natutunan niya sa ABS-CBN especially sa acting ay dala-dala niya saan man siya magpunta.
 
“Mas nahasa talaga ako doon (ABS-CBN). Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila at ang dami-dami kong natutunan don… At saka siguro, malaking bagay at tulong na rin na nag-start kasi ako seven years old pa lang.
 
“At saka sa ABS, ibang klase ang workshop do’n. Matindi talaga… Mas natatatakan kasi don (ABS-CBN), eh. Parang do’n ko nagawa yung mga mabibigat na role, eh,” pahayag pa niya.
 
Wala namang ini-expect na masyado si Empress sa nilipatan niya except, “Sana ituring nila akong kapamilya kahit kapuso na ako… parang ang labo… ha-ha-ha!” sabay tawa niya.
 
“I mean, sana alagaan nila ako, kasi siyempre kapag inalagaan nila ako, aalagaan ko rin sila at magiging loyal din ako,” makahulugan niyang pahayag.
 
Masaya din si Empress na muli niyang nakatrabaho sa bagong show niya ang former Kapamilya actress na si Max Collins. Huling nagsama ang dalawa sa TV series na Rosalka ng ABS-CBN.

Photo credit to www.notemagazines.com