• Home
  • Fresh Scoops
  • Mentor Rogil Flores and Jerome Batute are proud of MJ's performance in the pageant.

MJ Lastimosa's mentors dismayed by Miss Universe results

Mentor Rogil Flores and Jerome Batute are proud of MJ's performance in the pageant.

MJ Lastimosa's mentors dismayed by Miss Universe results-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/26/2015 04:32 PM
MJ Lastimosa's mentors dismayed by Miss Universe results
012615-mjlastimosa_mentors.jpgRamdam na ramdam na malungkot at dismayado ang pageant experts at mga naging mentor ng 2014 Miss Universe Philippines na si MJ Lastimosa sa naging resulta ng pageant. 

Pero kahit di pumabor ang resulta sa pambato ng ating bansa, proud pa rin sila sa performance ng kanilang alaga.

Ito ang sinabi ni Rodgil Flores ng Kagandahang Flores Camp na nag training kay MJ.

It was a very commendable performance and she gave it her best kitang kita naman we are very happy and so proud of her. Sana maging magandang inspirasyon si MJ sa lahat ng gusto maabot ang mga pangarap nila lalo na sa larangan ng beauty pageant. The final attempt sobrang hirap talaga she prepared well for this talagang ginawa niya lahat she didn’t leave any stone unturned para lang mai represent ang Pilipinas at her very best. Patayan talaga ang training araw araw. Everything that she can possibly learn and everything that she can possibly do to have an excellent performance ginawa naman po niya kaya I’m very happy for her.”

Ang question and answer coach naman ni MJ na si Jerome Balute, masaya na rin sa naabot ng alagang beauty queen.

I am so proud of MJ as a mentor I have seen her hard work she’s the most determined, most dedicated person I met, kahit hindi siya nanalo we have been given a glint of hope. The jusges are looking for something that is not MJ pero its not MJ’s fault. She did her best.”

Inulan naman ng comments ang social media na malaking epekto daw sa scores ni MJ ang gown na hindi bumagay kay MJ. Nilinaw ni Rodgil na hindi na ito ang problema sa kabuuan ng performance.

Actually po at this point ang dapat tingnan na lang natin is yung performance niya she did her very best so I think she deserves pa rin po ang congratulations from all of us. Ideally maganda po talaga kung Pinoy designer ang gagawa ng gown sa susunod. Pero as a mentor wala naman po ako nagging problema sa isinuot ni MJ.”

Para naman kay Jerome, ang desisyon pa rin at kumbinasyon ng mga judges ang importante.

Regarding the gown, I think it’s very important but it’s the performance that counts I mean with MJ’s performance it’s faultless but at the end of the day it’s still the judges decision. So no matter what gown a candidate is wearing and whoever the designer is a Filipino or otherwise, its still the decision of the judges.”