• Home
  • Fresh Scoops
  • For her relatives, MJ has already achieved a lot just by representing the country in the prestigious pageant.

MJ Lastimosa's family still proud of her Miss Universe performance

For her relatives, MJ has already achieved a lot just by representing the country in the prestigious pageant.

MJ Lastimosa's family still proud of her Miss Universe performance-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/26/2015 04:44 PM
MJ Lastimosa's family still proud of her Miss Universe performance
012615-Mjheadline_main.jpgPinaghalong nerbyos at tuwa ang makikita sa mukha ng kapatid ni MJ Lastimosa na si Maricar at ng Tita Evelyn Lastimosa na nagpalaki sa kanila. Magkatabi silang umupo sa harap ng malaking TV screens sa isang special viewing party ng live telecast ng 63rd Miss Universe Pageant sa Kagandahang Flores Beauty Camp kung saan nag training si MJ.
 
National costume parade pa lang hindi na mapigil na mapaiyak ang Tita Evelyn ni MJ ng makitang rumarampa ang pamangkin.
 
“Win or lose, proud pa rin kami. Itong pag iyak ko tears of joy yan na nakikita ko si MJ na lumalaban para sa Pilipinas.”
 
Ang kapatid naman na si Maricar, all smiles sa kapatid na dala ang pangalan ng Pilipinas.
 
Masayang masaya ako para sa kanya, it’s a dream come true for her.”
 
Narrating ni MJ hanggang top ten finalist at di na napasama sa top five finalist na ikinalungkot nila, pero ganun pa man, masaya pa rin si Maricar sa narating ng kapatid.
 
Kinakabahan ako kanina habang nanonood sa kanya pero masaya ako kasi ang galing galing niya. Siguro naman naibigay na nya ang best niya nakita naman natin yun kumbaga na kay Lord nya un eh, pero masaya kami at proud sa kanya.”
 
May mensahe naman ang Tita Evelyn ni MJ sa pamangkin na name miss na niya ngayon.
 
Yayakapin ko siya at iko congratulate ko pa rin siya and I’m very proud of her, marami ang sumusuporta at marami ang nagmamahal sa kanya alam ko proud sila sa naging performance niya.
 
Para naman sa mga bashers ni MJ nakiusap ang kapatid na si Maricar na maging masaya na lang sa naabot ng kanyang kapatid.
 
Hindi po lahat nabibigyan ng pagkakataon na marating ang narating niya, dati pinapanood lang namin yan Miss Universe sa TV, at para sa akin ang husay niya lalo na doon sa swimsuit competition nadala niya talaga ng maayos amazing wala ako masabi.”