• Home
  • Fresh Scoops
  • Push takes a look at some of the beauty queens the Philippines has embraced and loved through the years.

Pinoys By Heart: A look at some of the international beauty queens who were loved by Filipinos

Push takes a look at some of the beauty queens the Philippines has embraced and loved through the years.

Pinoys By Heart: A look at some of the international beauty queens who were loved by Filipinos-Krissa Donida
BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/24/2015 11:07 AM
Pinoys By Heart: A look at some of the international beauty queens who were loved by Filipinos
012415-pins_main.jpg
Sa nalalapit na tinaguriang ‘The Most Beautiful Day In The Universe’, hindi na magkamayaw ang mga Pinoy sa pagsuporta sa ating pambato na Bb. PIlipinas 2014 MJ Lastimosa sa pagsungkit ng titulong Miss Universe. Taun-taong inaabangan ng mga Pinoy ang Miss Universe, di lang para supportahan ang kandidato ng Pilipinas kungdi maging sa mga naging parte nito kahit na hindi pa sila Pilipino o walang dugong Pilipino.

Balikan natin ang ilan sa mga naging parte ng mga nakaraang Miss Universe na tunay na tinuring nating kapamilya.
0198_belgium94.jpg
Christelle Roelandts
Kinatawan ni Christelle ang bansang Belgium noong Miss Universe 1994, kung saan idinaos ang Miss Universe Pageant dito sa Pilipinas. Preliminaries pa lamang ng kumpetisyon, siya na ang tinaguriang “crowd favorite” ng mga Pilipino, “most applauded” at “instant favorite”, ayon sa beautypageantsinthephilippines.blogspot.com. Maging ang mga mamamahayag dito sa Pilipinas ay tunay na nabighani sa kanyang ganda at charisma. Hindi man nakapasok sa Top 12, hindi malilimutan kung paano niya napahanga ang mga Pilipino.

photo credit: beautiesofindonesia.com
María_Gabriela_Isler_cropped.jpg
Gabriella Isler
Miss Venezuela noong 2012, siya ang may hawak ngayon ng korona bilang Miss Universe 2013. At sa taong sinubok ang Pilipinas dahil sa mga sunod-sunod na kalamidad na nakaapekto sa bansa, isa si Gabriella na naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa Palawan at nanguna na makalikom ng pera para sa mga biktima. Siya din ang isa sa mga naging judges sa nakaraang Bb. Pilipinas 2013 kung saan nakoronahan si MJ Lastimosa bilang kinatawan ng ating bansa.

photo credit: wikipedia.org
Amparo Munoz.jpg
Amparo Muñoz
Kinoronahan bilang Miss Universe noong 1974, ang kauna-unahang pagkakataon na idinaos ang Miss Universe sa bansa, si Amparo ay isang artista sa Espanya na hindi man tumagal ang titulo na umabot lamang ng anim na buwan, tunay namang nakuha niya ang loob at pagmamahal ng mga Pilipino.

photo credit: ohnotheydidnt.livejournal.com
Stella Araneta.jpg
Stella Marquez Zawadski-Araneta 
Ang pinakaunang Miss International na si Stella Marquez-Araneta ay ang Pageant Director at Organizer ng Bb. Pilipinas, mula pa noong 1964. Nakapangasawa din siya ng isang Pilipino, si Jorge Araneta, mula sa kilalang angkan ng mga Araneta. Kaya naman sa bawat tagumpay ng mga sumasali sa mga beauty pageants ay nasa likod nito ang paggabay at suporta ni Stella Marquez-Araneta upang mas makilala pa ang ganda at galing mga mga Pilipinas sa buong mundo.

photo credit: sashfactor.com
Sushmita-SenIndia-1994.jpg
Sushmita Sen
Si Sushmita ang kauna-unahang Indian na nag-uwi ng korona sa prestihiyosong Miss Universe taong 1994, na ginanap dito sa bansa. Hindi lang sikat at napamahal si Sushmita sa mga Pilipino dahil dito siya sa bansa nakoronahan kungdi nakilala din siya sa kanyang sikat na sikat sa tanong na ‘What is the essence of being a woman?’
Naging malaking bahagi din si Sushmita sa relasyon ng mga Pilipino at Indian dahil nang makoronahan siya, ang Indian Chamber of Commerce at ang Indian Community sa Maynila ay idineklara na ang May 21 na Philippines-Indian Friendship Day. May 20 nang kinoronahan si Susuhmita Sen bilang Miss Universe 1994.

photo credit: ndtv.com
Michelle-Van-Eimeren2.jpg
Michelle Van Eimeren
Kinatawan ni Michelle Van Eimeren ang bansang Australia sa Miss Universe 1994 na ginanap dito sa bansa. Hindi man nasungkit ang korona, sumikat naman sa show business ang beauty queen na nakaggawa pa ng ilang pelikula tulad ng Manolo en Michelle Hapi Together kung saan ay gumanap siya bilang isang sirena at Siyempre Ikaw Lang (Ang Syota Kong Imported) noong 1996. Naging commercial model din ng isang sikat na toothpaste brand si Michelle noon. Maliban pa dito ay naging host din siya ng ‘Sang Linggo nApo Sila at Brunch.

Dito din siya nakatagpo ng pag-ibig at ikinasal sa aktor at mang-aawit na si Ogie Alcasid sa Taal, Batangas noong 1996 ngunit nanghiwalay ang dalawa at ngayon nga ay may kanya-kanya nang pamilya, si Michelle sa bansang Australia, si Ogie dito sa Pilipinas.

photo credit: Missosology.info
Dayanara2.jpg
Dayanara Torres
Nakaukit na sa kasayasayan ng Philippine show business ang pangalan ni Dayanara Torres. Matapos niyang koronahan si Sushmita Sen taong 1994, nagtuloy-tuloy na nga ang pamamayagpag ng Puerto Rican sa bansa. Apat na taong nanirahan sa bansa si Dayanara at nakagawa ng halos sampung pelikula. Ilan na nga dito ang dance movie na Hataw Na, Type Kita Walang Kokontra at ang pelikula kung saan naging magkarelasyon sila ng apat na taon ng kapwa aktor din na si Aga Muhlach, ang Basta’t Kasama Kita. Siya din ang isa sa mga orihinal na host ng longest-running Sunday noontime show na ASAP at may titulo pang ‘Dancing Queen’. Bumalik din sa kanyang bansa si Dayanara Torres hanggang sa mapangasawa at mahiwalay din sa international singer na si Marc Anthony.

photo credit: sashfactor.com