• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia says what he felt for Jane Oineza was “infatuation”

Joshua Garcia says what he felt for Jane Oineza was “infatuation”

Joshua Garcia said he realized when he was outside Kuya’s house that what he felt for Jane Oineza was not love.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

1/24/2015 9:51 AM
Joshua Garcia says what he felt for Jane Oineza was “infatuation”


012415-joshua_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, gaganap bilang magkakabata sina ex-Pinoy Big Brother All In housemates Joshua Garcia and Loisa Andalio sa Kapamilya teleserye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Ani Loisa, “Masaya ako at excited na kinakabahan,” ngunit confident naman daw siya sa ibinigay niya para sa  kanyang character. Dagdag ni Joshua, dumaan sila ni Loisa sa mga acting workshops bilang paghahanda sa kanilang mga role.

Nang tanungin naman kung nanliligaw si Joshua kay Loisa, sinabi niya na “hindi.” Paano naman kaya kay Jane Oineza na pinagtapatan niya noon ng pag-ibig habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya? Nagkaroon na kaya sila ng closure? Hindi man niya direktang sinagot ang tanong, sinabi ni Joshua na noong nasa labas na siya ng bahay ni Kuya, saka niya na-realize na “infatuation” lang ang nararamdaman niya pra kay Jane.

Binahagi rin ng dalawa na may away sa pagitan ng mga fans ng “Jo-shane” at “Loi-shua,” ngunit sa halip na magkailangan sa trabaho ay mas naging close pa raw silang tatlo dahil lagi silang magkakasama sa set.