2015 Miss Universe Pagent brings back the sound proof booth

The pageant has also redesigned the Miss Universe crown.

2015 Miss Universe Pagent brings back the sound proof booth-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/24/2015 10:39 AM
2015 Miss Universe Pagent brings back the sound proof booth
012415-mj_main.jpgLunes ng umaga dito sa Pilipinas mapapanood ang 2015 Miss Universe Pageant, ang isa sa pinaka sikat at matagal na beauty pageant ngayon. Exciting taon-taon ang Miss Universe dahil sa nakaraang limang taon, pasok lagi ang kandidata ng Pilipinas sa top five kaya nabansagan na “Pageant Capital of Asia” ang ating bansa.

Malakas ang chances at predictions ng pageant experts ngayon na finally, maiuuwi ng isang pinay ang korona ng Miss Universe sa katauhan ni Mary Jean Lastimosa. Mataas ang kanyang scores at isa sa mga nanguna sa iba ibang competition ng preliminary rounds.

Formal ng ipinakita sa isang media conference sa Miami Florida, USA ang bagong crown design ng Miss Universe na first time gagamitin ngayon taon. Bagong disenyo ng D.I.C. Ayon sa organizers ng Miss Universe, 3000 hours ang ginugol para magawa ang korona na inspired ng Czech Royalty at ibat ibang royalty crowns sa history.

012415-crown_main.jpg

May mga pagbabago rin na mapapansin sa sequence ng Miss Universe Pageant. Ibabalik dito ang 90s feel ng Miss Universe. Dalawa ang pagdadaanan na question and answer portion ng finalists at ang finale question and answer portion, muling gagamitin ang “Sound Proof” booth na naging trademark ng Miss Universe noon.

Nagkaroon naman ng chance interview ang isang facebook group kay MJ Lastimosa sa isang meet and greet event ng Miss Universe, dito nagbigay mensahe si MJ na huwag ng mag away away ang fans, huwag mag entertain ng negative thoughts at ipagdasal ang kanyang performance hanggang coronation night para masungkit ang korona.

Mapapanood ang live telecast ng 2015 Miss Universe Pageant sa ABSCBN.