• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino says that she’s closer to her non-showbiz friends who witnessed her love story.

Yeng Constantino explains why she has no showbiz friends in her wedding entourage

Yeng Constantino says that she’s closer to her non-showbiz friends who witnessed her love story.

Yeng Constantino explains why she has no showbiz friends in her wedding entourage-Krissa Donida
BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/20/2015 08:57 AM
Yeng Constantino explains why she has no showbiz friends in her wedding entourage
012015-yeng_main.jpgNang natanong kay Yeng Constantino kung matapos niyang ikasal ay medyo ibibigay niya muna ang panahon sa asawa at pagpapamilya, “Wala po akong plano mag lay low sa aking career as a musician dahil ito po talaga ang gusto kong ginagawa. Kaya sa mga taga-suporta ko po na iniisip nila na baka mawala na si Ate Yeng or si Yeng na hindi kakanta, naku, hindi po yun mangyayari kasi ito po talaga ang passion ko, ang music at mahal ko po talaga ang mga sumususporta sa akin. Ito nga ang sinasabi ko hangga’t mahal nila ako at hangga’t gusto nila na gumawa ako ng music, I will just be here, kahit na may baby na ako. Malay niyo gumawa na ako ng album na Sesame Street, hindi natin alam eh. Masyado akong free-spirited na artist eh so we’ll see.”
 
Pagdating naman sa paghahangad pa ng international career, inamin ni Yeng na hindi pa naman niya iniaalis ang posibilidad na subukan ito. “Sana dumating po, kung dumating ay dumating. Ako po ay open kung ano ang ibabato sa akin ng Panginoon. Kung dumating po yun ‘Yey’, kung ito na po yung life ko I am really happy kung ano ang meron sa life ko ngayon.”
 
Ilan din sa ating mga artista ang nagdedesisyon na hindi muna magpakasal o magpamilya dahil may ideya sila na kapag kinasal na ay maaring makaapekto ito sa takbo ng kanilang mga karera. Ngunit para kay Yeng, hindi niya ito nakikita sa ganitong aspeto. “Hindi ko po naiisip na magiging hadlang naman yung relationship ko sa mga bagay na maaring dumating. Hindi ko po nakikita yung relationship ko as parang hassle, I see it as a blessing. Simula po nung dumating si Yan (Asuncion) sobrang mas marami pa pong biyaya ang dumating sa life ko sa totoo lang. Hindi ko po akalain. Parang nag ten times yung biyaya sa life ko and that is how I see it and yung parang faith ko right now na habang tumatagal, we will just be more blessed. Ayaw ko na tignan na ganun kasi maha-hassle ka lang, magiging negative lang yung feeling mo, kapag napunta yung negative sa emotions mo magiging negative na rin yung mangyayari sa life mo.”
 
Sa mga panayam kay Yeng patungkol sa kanyang kasal, lagi niyang kinukumpirma na hindi taga-show business ang kasama sa kanyang entourage. At ngayong nalalapit na ang kasal ni Yeng, na gaganapin sa February 14, dagdag pa diyan ang katatapos lang na kanyang bridal shower, nanindigan si Yeng tungkol dito kahit na aminado ito na mraming nagtataka kung bakit. “Kasi mas nagse-spend kami ng time with them. Kasi sa ASAP hindi naman talaga kami nagkikita-kita. Every Sunday lang. Tapos mas nakabuild talaga ako ng relationship talaga with my non-showbiz friends. Like Monday ko. After ASAP, Monday ko church, magdi-dinner kami, manonood ng movie as in nabubuo talaga yung relationship kasi. And I think alam mo yung sobrang special talaga nung mga friends ko na non-showbiz na gustong-gusto ko talaga sila nandun and ma-enjoy talaga nila yung moment na nakita nila ako mag-grow as a person.” 

Dagdag pa ni Yeng na mas naging saksi ang kanyang mga kaibigan sa labas ng showbiz sa lahat ng kanyang pinagdaanan at sa kwento nila ng kanyang finace na si Yan Asuncion. “Nakita nila yung pinagdaanan ko, nakita nila yung iiyak-iyak ako, nakita nila yung masaya ako, nakita nila yung changes sa life ko nung dumating si Yan. Yun yung purpose nun kasi kung ikaw mag-iinvite ka lang, magpaparampa ka lang just to show off, look at my entourage, punong-puno ng celebrity, ang pangit naman nun, hindi ganun e, it has to be sincere. These are the people who watched me grow… I love my ASAP Family. Ang gusto mo lang talaga na level ng relationship dapat yung inner circle muna, it’s not to show off. It’s not who I am, I don’t want to do that.”