• Home
  • Fresh Scoops
  • Winners include The Voice's Lea Salonga and AAT's Boy Abunda and Kris Aquino.

Kapamilya personalities shine at the 2015 People of The Year Awards

Winners include The Voice's Lea Salonga and AAT's Boy Abunda and Kris Aquino.

Kapamilya personalities shine at the 2015 People of The Year Awards-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/20/2015 12:58 PM
Kapamilya personalities shine at the 2015 People of The Year Awards
012015-peopleoftheyear_main.jpgSa ika-sampung taon ng pagbibigay parangal, inihayag ng People of the Year ang kanilang listahan ngayong taon. Kasama dito ang mga personalidad na pinag usapan at naging inspirasyon sa marami.

Ilan sa paborito nating Kapamilya personalities gaya nina Kris Aquino, Boy Abunda, Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano at Susan Roces ang napasama sa listahan at dumalo sila sa awarding na naganap sa ballroom ng isang hotel sa Makati City.

Para kay Lea Salonga, ito ang una niyang award na natanggap ngayon taon at sana daw ay maging magandang sign ito.
 
“Well hopefully this is a good indication of how things in the year will go but you will never know but I hope it will come out really well.
 
Hindi naman nakarating ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil masama ang pakiramdam kayat nagpasalamat na lang ang King of Talk na si Boy Abunda para sa parangal na nakuha nila.
 
This is a very special award for me and Kris the first award for us this year. Every award is different and special.”
 
Mas naging special ang awards program dahil nagbigay ng musical numbers sina Lea Salonga na kumanta ng Streisand classic hit na “Ever Green” at OPM and Broadway hits naman ang ipinamalas nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa magkabukod nilang performance.

Nagbigay trivia pa si Martin na nagging regular columnist siya noon sa People Asia Magazine na madalas na nababasa sa back cover ng bawat issue.
 
Every award you receive this late in your career is a great great blessing
 
Tulad ni Martin, para kay Gary V magandang simula sa ikatlong dekada nila sa showbiz industry ang mapasama sa People of the Year.
 
“When you have passion for what you do in music it always comes back to you this way.”
 
Malaking high light naman ng awards program ang pagbibigay parangal sa movie queen na si Susan Roces para sa kanyang di kumukupas na contribution sa TV at pelikula.
 
Ilan pa sa mga pangalan na binigyang parangal ay sina Albert del Rosario, Mariquita Yeung, Ramon Orlina, Loida Lewis, Cary Santiago, Henry Chusuey, Hans Sy, Dr Edgardo Cortez at Lorenzo Tan.