• Home
  • Fresh Scoops
  • The singer actress also answers questions about the sale of Dolphy's properties.

Zsa Zsa Padilla denies rift with daughter Zia

The singer actress also answers questions about the sale of Dolphy's properties.

Zsa Zsa Padilla denies rift with daughter Zia-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/17/2015 12:00 AM
Zsa Zsa Padilla denies rift with daughter Zia
011815-zsazsa_main.jpgNanghihinayang si Zsa Zsa Padilla na wala siya sa 2014 MMFF Gabi ng Parangal para tanggapin ang trophy niya sa pagkakapanalong Best Actress para sa pelikulang M. (Mother’s Maiden Name) na entry ng Quantum Films for the New Wave category.
 
In the middle of the interview of the entertainment press, do’n mismo inabot sa aktres ang kanyang Best Actress trophy na siyempre, ikinagulat ng singer-actress.
 
“Oh my God! I’m so happy,” ang tuwang-tuwang reaksyon ni Zsa Zsa nang makita ang kanyang Best Actress trophy. “Wow naman talaga... Thank you,” sabi pa ulit ni Zsa Zsa.
 
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa auction ng mga properties ni Mang Dolphy and Zsa Zsa has something to say about it.
 
“He works so hard and he’s really very good at it, eh. Pag meron siyang nabiling lupa, talagang nag-a-appreciate agad ang value. Sabi ko nga minsan, pag meron ka namang bibilhing property isama mo naman ako... Sa awa ng Diyos hindi nag-succeed (laughs)... Ako pala yung malas, sabi ko,” pabiro niyang pahayag.
 
Kumbaga, siya talaga, may foresight siya sa ganu’n... may mga  tao talaga ganu’n, di ba? I guess, do’n siya suwerte,” kuwento ni Zsa Zsa.
 
Halatang hindi aware si Ai-Ai sa accumulated value ng properties ni Tito Dolphy which is almost P350 million dahil parang takang-taka siya na ganu’n kalaki ang halaga nito.
 
“Ewan ko, ano bang kuwenta?” balik-tanong niya sa mga nag-iinterbyung press. Nagbiro din siya na sana raw ay huwag siyang ipakidnap. “Ang daming nakikinig oh... Naku, huwag n’yo po ako ipakidnap... Kasi itong trophy na lang po ang ibabayd ko sa inyo,” biro pa niya.
 
“This auction kasi, it’s good that everybody, all of the heirs will have a chance to  get some finances, di ba? Saka siyempre, time naman na magkaroon ng kanya-kanyang negosyo. At saka, yung foundation niya kasi,  buhay pa naman yung foundation ni Dolphy, so maraming mga plano sa proceeds no’n.”
 
Nang tanunin kung totoo bang wala  siyang makukuha kahit na magkano sa mapagbebentahan ng mga properties na naiwan ng Comedy King, hindi na sumagot si Zsa Zsa at halatang iniiwasan ang tanong.
 
Sinagot na rin ni Zsa Zsa ang isyung may rift sila ng anak na si Zia Quizon na nag-ugat sa desisyon niyang ibenta ang kanilang bahay sa Paranaque.
 
“There’s no truth to that... Sa awa ng Diyos, hindi ko pa naman kailangan, eh. I mean, I don’t think it’s the right time to sell yet, but I know, we all know naman that... we don’t know the future, you kow di ba, na parang ibebenta ba namin, but for now, with the God’s grace, we don’t need to sell yet,” paglilinaw pa niya.
 
Eh, how about wedding bels? Kelan ba nila balak magpakasal ng boyfriend niyang si Architect Conrad Onglao?
 
“Anong meron sa wedding bells?” natatawa niyang niyang sagot. “Sabi nga ni Toni Gonzaga, wala na raw venue. Ha-ha-ha! Baka 2017 or 2018 na lang,” pabiro niyang pagtatapos.
 
‘Nga pala, kasama  ni Zsa Zsa sa M. (Mother’s Maiden Name) si Nico Antonio. Palabas na ito sa Jan. 21 sa mga sinehan.