Kapamilya celebs share their thoughts on the Papal Visit

Kapamilya celebs share their thoughts on the Papal Visit-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

01/15/2015 02:04 PM
Kapamilya celebs share their thoughts on the Papal Visit
011515-kapamilya_main.jpgSa pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa, iba’t ibang mensahe at reaksyon ang nakuha natin mula sa mga paborito nating personalidad na nagbahagi ng nilalaman ng kanilang puso para sa Papal Visit

Si Judy Ann  Santos, nagsabi na mas magpapalakas ito ng pananampalataya n gating mga kababayan lalo nan g mga naapektuhan ng kalamidad.
 
Personally I am very touched and happy na nasa plano ni Pope na bumisita dito sa bansa natin sa mga survivors ng Yolanda, ang lakas maka uplift at makabuhay ng puso noon na mapuntahan ka at masilayan mo si Pope, mas lalakas ang faith mo at isa tayo talaga sa nagging focus ni Pope. Nakaka uplift ng nation, sana lahat tayo makaramdam na may Diyos tayo at may mga nasa paligid na tutulong at magbibigay inspirasyon.”
 
Para kay Gary Valenciano, di lang pagmamahal sa Panginoon ang magkakaroon ng renewal, mai inspire din daw ang Santo Papa sa mainit na pagtanggap natin sa kanya at sa pagmamahal natin sa Panginoon.
 
It’s very timely, we don’t know what is going to take place.  I think that the Pope is going to come and give important words para sa atin that always give room in our hearts para sa ganun mga salita specially galling sa kanya. I know it’s also going to be memorable for him kasi makikita niya ang pagmamahal ng mga Pinoy sa ating Panginoon.”

Hindi naman importante ang religion ayon kay Piolo Pascual, ang importante ay ang pagkakaisa at pagmamahal sa iisang Diyos.
 
“Its important for us to observe and to take part kasi monumental yan eh di ba? Para sa akin its not about religion, it’s about believing in one God. Ako I’m a born again Christian pero I still hear mass my family is Roman catholic just the same we believe in one God.”
 
Nagpasalamat naman si Alex Gonzaga dahil sa pagmamahal na ipinapakita ni Pope Francis sa ating bansa at napili niya ito dalawin.

“Syempre we are very greatful na kahit sobrang busy si Pope lagi niya nabibigyan ng pagkakataon at panahon ang mga Filipino so syempre we should be greatful for that.”

Pagkakaisa ang dasal ni Coco Martin at ito rin daw ang tamang panahon para ma-heal ang mga differences sa ating bayan.

“Ito ang pagkakataon para ma-heal lahat tayo. Ito rin kasi ang pagkakataon para maging isa ulit at magsama sama, ang time para ipagdasal natin lahat ng nangyayari sa bansa natin.”
 
Para sa King of Talk na si Boy Abunda, malaking bagay ito para sa ating mga Filipino at sa ating pananampalataya sa Panginoon.

“Bilang isang Katoliko gusto ko sabihin sa kanya na I’m looking forward to the visit of the Pope, pinaghahandaan ko hindi lamang kung paano ko siya makikita bahala na but spiritually I’m just so excited that I will be able to connect that he is coming to our land and that physically he will be somewhere near me.”