Jennylyn Mercado reacts to being linked to Derek Ramsay, Raymart Santiago and Dennis Trillo

The actress answers rumors she's dating again.

Jennylyn Mercado reacts to being linked to Derek Ramsay, Raymart Santiago and Dennis Trillo-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/15/2015 11:41 PM
Jennylyn Mercado reacts to being linked to Derek Ramsay, Raymart Santiago and Dennis Trillo
011615-jen_main.jpgMaganda ang pasok ng taong 2015 kay Jennylyn Mercado. Bukod sa pagkakapanalo niya ng Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang English  Only, Please kapartner si Derek Ramsay, mayroon din siyang bagong TV show sa kanyang home network, Valentine concert at another movie with Derek na pinagmimitingan na nilangayon.
 
“Ang saya ng taon, ko sobra, ang sarap!” pahayag ni Jennylyn. “Kaya alam n’yo na, walang lugar ang pag-ibig sa buhay ko ngayon,” patuloy pa niya.
 
Pero paano niya ipaliliwanag ang isyu na madalas silang makita ng ex-boyfriend na si Dennis Trillo. Ang pinakahuli nga raw ay nakita silang magkasamang nagsu-swimming sa Batangas.
 
“Hindi kami nag-swimming together. Kasama namin ‘yung team,” paliwanag agad niya. Totoong magkasama kami, pero ano lang... Para lang ‘yon sa usual training namin. Walang ibig sabihin ‘yon,” eksplika pa niya.
 
“Honestly, wala muna talaga sa isip kong magka-lovelife... Para kasing ngayon, magtatrabaho muna ako. Maraming magagandang nangyayari sa carer ko kaya focus muna ako dito... Masaya naman ako kahit single ako. Marami naman akong friends,” natatawa niyang paliwanag.
 
Sinagot na rin ni Jennylyn ang isyug madalas siyang makita sa condo ni Dennis.
 
“Naku, imposible ‘yon.  Hindi  po totoo ‘yun,” pagtanggi pa niya.  “Saka may time ba ako? Wala nga akong oras ngayon na pumunta sa iba’t ibang lugar. Ngayon, nadagdagan na ang trabaho ko, may taping na ako, may cooking show kami, tapos pinaghahandaan ko pa ‘yung concert, may show pa ako every Sunday, so parang... ‘ha? Saan galing ‘yan?”hirit pa niya.

Ang aktor daw na dumadalaw sa kanya na hindi niya idinedenay ay si Mark Herras.
 
Iniintriga na rin si Jennylyn sa co-star niya sa GMA show na si Raymart Santiago, ang ex-husband ni Claudine Barretto. Ano ang reaksyon niya dito?
 
“Hala, ano ba yan? Lahat na lang bang lalaking  makakatrabaho ko,  eh, magkakaroon ng isyu? Hindi ba puwedeng maging friends ko sila? Dapat ba laging mali-link ako sa kanila? Huwag naman sanang ganu’n.
 
“Iba kasi kaagad ang interpretasyon pag nakitang magkasama o pag seryosong nag-uusap. Akala nila ‘yon na  ‘yon. Wag naman sana nila agad lagyan ng malisya ang ganu’n. Nagtatrabaho lang po kami, normal lang na makita kaming magkasama. Ha-ha-ha!” paliwanag ng aktres.