“Kakanta ako doon ng We Are All Gods Children sa encounter with the families sa MOA Arena tapos sa UST naman yung meeting with the youth, so yung mga kabataan sa UST at mga patients sa ospital dadaanan din ng Pope para i-blessed nya.”
Humiling din si Jamie para sa ating mga kababayan na sama samang ipagdasal na maging maayos ang mga araw na nandito sa ating bansa si Pope Francis.
“Ipakita po natin sa Santo Papa ang ating pagmamahal sa kanya at an gating pananabik na nandito siya at sana maging mahinahon tayo sa mga panahon na ito hanggang nandito siya ipagdasal natin na maging payapa ang lahat at ligtas hanggang sa pagbabalik niya sa Roma. He unite us again as a family, this is something that we should all be thankful and feel blessed dahil nandito ang Pope ngayon, at the same time sasabihin ko sa kanya na we are also praying for you and please continue to pray for our country.”
Makahulugan din ang naging message ni Jamie para sa lahat na sana ipagpatuloy ang mga aral na matututunan sa mga sasabihin ng Santo Papa at maging sa mga panahon na nakabalik na siya sa Roma.
“Sana po pag alis ng Santo Papa kung ano ang mga aral na ibinigay niya sa atin ipagpatuloy po natin hindi lang sa mga panahon na nandito siya.”