Kapamilya Stars prepare for the Papal visit

Lyca Gairanod hopes Pope Francis will bless her family.

Kapamilya Stars prepare for the Papal visit-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/14/2015 08:15 AM
Kapamilya Stars prepare for the Papal visit
011415-kapamilya_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, naghahanda na ang ilang Kapamilya stars na magse-share ng kanilang talent sa pagdating sa bansa ni Pope Francis.
 
Si The Voice Kids Grand Champion Lyca Gairanod ay panay na ang practice ng kantang “Tell the World of His Love.” Kakantahin niya ito sa Meeting of Families sa Mall of Asia Arena. Ani Lyca, umaasa siya na i-bless ni Pope ang kanyang pamilya “para wag sila magkasakit.”

Puspusan na rin ang pag-memorize ni Erik Santos ng kanyang lines dahil siya ang kakanta ng Responsorial Psalm sa misa na gaganapin sa Luneta.

Si Jed Madela naman ay magpe-perform sa pagtitipon na gaganapin sa University of Santo Tomas kung saan makakasama niya si Inspirational Diva Jamie Rivera. Kasama rin si Jamie sa misa sa Luneta at sa Meeting of Families sa MOA.