• Home
  • Fresh Scoops
  • Raquel Pempengco admits her relationship with a younger guy was the reason why she and Charice patched things up.

Charice supports mom Raquel Pempengco’s love life

Raquel Pempengco admits her relationship with a younger guy was the reason why she and Charice patched things up.

Charice supports mom Raquel Pempengco’s love life-Krissa Donida
BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/14/2015 08:17 AM
Charice supports mom Raquel Pempengco’s love life
011415-charice_main.jpgSa pagdiriwang ng kaarawan ni Raquel Pempengco, nakisaya sa selebrasyon ang anak niyang si Charice at ang kanyang karelasyon nito na si Alyssa Quijano. Sa kantahan at kwentuhan sa ginanap na simpleng pool party, tila wala na ngang makapipigil pa sa tuloy-tuloy na kasiyahan ng mag-iina.
 
Isa din sa rason ng kasiyahan ni Mommy Raquel, maliban sa patuloy na pagbabati nila ni Charice, ay ang pagkakaroon niya ng inspirasyon at lalaking nagpapasaya sa kanya. Kaya naman nang matanong kay mommy kung may katotohanan ito, “Meron naman siyempre, pero hindi pa siya handang humarap.”
 
Aniya, dumating ang espesyal na lalaking ito sa buhay ni Mommy Raquel sa mga panahong mahirap ang lahat para sa kanya. “Dumating siya noong medyo challenging ang buhay ko, yung sa kalagitnaan ng aking pighati, na-stroke ang tatay ko. Dumating siya hindi sa saya eh. Kumbaga, kaya ko rin siya na-anuhan, dahil sa hirap ko andun siya, supportive talaga.”
 
At sa tanong kung gaano na sila katagal ng karelasyon, Aniya, “Eight months. May eight din para swerte.” Ayon pa kay Mommy, walang naging problema kay Charice na ka-edad lang na karelasyon. Sa kanila, okay kasi sabi nila kung saan ako masaya. Ganun din naman sa bunso ko, kay Carl kaya medyo. Kaya lang medyo magkalapit ang age nila.”

Nang hingan naman ng Push.com.ph ng opinyon si Charice tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang Ina, “Wala akong ano diyan. The moment she sent me the email telling me about that, wala naman akong doubts or anything and sa akin kasi not because … just be happy. It’s good for her heart and that’s the most important thing for me. Ayoko nung nakikitang depressed siya. Seeing her happy with someone, that’s alright.
 
Ibinunyag din ni Mommy Raquel na dahil sa kanyang pagtatapat kay Charice tungkol sa knayang love life, ito ang naging dahilan para tuluyan silang magkasundo. Kwento ni Mommy Raquel, “Kaya kami nagkabati, nung nag-email ako katulad mo rin, ako din na-inlove ako, kaya lang mas bata sa akin , siguro three days nag-email sa akin, tuwang-tuwa naman ako.”