• Home
  • Fresh Scoops
  • Marvin Agustin and Jolina Magdangal co-own a restaurant named Bida

Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen

Marvin Agustin and Jolina Magdangal co-own a restaurant named Bida

Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

01/13/2015 08:31 AM
Marvin Agustin and Jolina Magdangal are happy with their partnership onscreen and off screen
011315-marjo_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, excited si Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa nalalapit na airing ng Flordeliza sa Kapamilya network. Aminado sila na na-delay ang airing ng Flordeliza dahil may pagkakareho ang tracking ng istorya sa Two Wives, pero malaking pagkakaiba naman diumano ang atake sa kwento. 

Ayon kay Marvin, lighter ang treatment ng Flordeliza dahil bukod sa maiiyak at mai-in love ang mga manonood, ay matatawa rin sila. Sa Flordeliza gaganap na “other woman” si Jolina. Wala namang problema kay Jolina ang role niya dahil gusto niya ang kwento at bago ang ibibigay nila sa manonood. Dagdag pa ni Jolina, “Mamahalin nila ang dalawang pamilya [sa kwento].” Ipapalabas na ang Flordeliza sa January 19.

Nag-level up na rin ang tambalang “Mar-Jo” dahil hindi lang sila bibida sa Flordeliza ngayon, kundi pati na rin sa bago nilang restaurant na Bida. Kuwento ni Jolina, mabilis ang pangyayari. Pinuntahan diumano siya ni Marvin para kausapin tungkol sa restaurant at after three days ay partners na sila. Nasa ground floor ng Fairview Terraces mall ang “Bida” at ayon kay Jolina, mayroong kantahan sa restaurant kapag weekend.

Nag-cover rin kamakailan si Jolina para sa The Philippine Star magazine kung saan sexy na pinakita ang kanyang likod. Natuwa naman diumano ang kanyang asawa na si Mark Escueta nang makita ito. Ayon kay Jolina, tasteful ang pagkakagawa ng cover.