• Home
  • Fresh Scoops
  • Phoemela Baranda is proud of daughter Kim Nichole’s achievements and wants her to focus more on acting while she focuses on hosting.

Phoemela Baranda and daughter Kim Nichole share what their relationship is like now

Phoemela Baranda is proud of daughter Kim Nichole’s achievements and wants her to focus more on acting while she focuses on hosting.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

01/10/2015 10:56 PM
Phoemela Baranda and daughter Kim Nichole share what their relationship is like now
011115-phoem_main.jpgSa isang pambihirang pagkakataon na magkasama ang mag-inang Phoemela Baranda at Kim Nichole, nakamusta ang kanilang relasyon ngayon matapos ang halos isang taon nang ipagtapat ni Phoem na may anak siya mula sa pagkadalaga. Kuwento ni Phoem, “Ganun pa rin, ano pa rin, working on the things that we have to work on as mother and daughter. So si Kim naman, busy sa work, busy sa school and I hope na ano, maging ano pa yung career niya, diretso.”
 
Tulad din ng ibang mga magulang na may mga anak na nagdadalaga, oras din para sa isa’t isa ang nagiging problema para makabawi sa mga panahong nawala sa kanila. “Nagsu-school kasi siya now so medyo yung schedule niya limited so I hope mag-work yung time management namin kasi yun yung medyo mahirap na part sa amin for now even yung family. Kaming dalawa na nga lang hirap kami magcommunicate, magkita, busy rin ako, so time management for work, school, and family.”
 
Sa estado ni Kim ngayon na marami na rin siyang mga naging tagahanga lalo na online, natutuwa ang kanyang ina sa narrating ng kanyang anak simula nang pumasok ito sa Pinoy Big Brother House. “Right now I am proud of Kim, with her followers, madami na rin siyang fans. You have to take care of your fans, I’m sure marami ka pang projects in the future kasi you are very talented.” Dagdag pa ni Phoem, “Kasi wala akong talent, hindi ako marunong sumayaw, kumunata, pero marunong ako mag-host. Pero siya marunong, marunong siyang kumanta at sumayaw.”
 
Ngunit kahit na abala si Kim, importante pa rin kay Phoem ang pag-aaral ng anak, “Oo, kasi high school kaya kailangan mag-graduate muna at least high school kasi college mas madami na yung schedule.”
 
Pagdating naman sa buhay pag-ibig at mga humahangang mga kalalakihan kay Nichole, ayon kay Phoem, “Sabi ko, open naman ako, normal naman yan suitors and manliligaw but I hope she can balance everything na what if nagka-boyfriend ka maba-balance mo pa ba yung time mo? Basta that is the only thing na sinasabi ko sa kanya na ang busy na, ang dami na nga natin jinu-juggle, work, school, ako work tapos family kaya sana ma-prioritize niya.”
 
Ngunit klinaro niya na hindi naman niya ito ipinagbabawal kay Nichole. “Hindi naman kasi once na pinagbawalan baka magrebelde at I think it is not normal na ang magandang girl walang suitor, walang boyfriend, so I hope she understands that I just want to know kung anong nangyayari sa kanya rather than hiding.”
 
Hindi rin ligtas ang kanyang anak sa mga bashing online lalo pa at mas madalas makipag-usap si Nichole sa kanyang mga tagasuporta at tagahanga online. Kaya naman nang matanong ang mag-ina dito, ayon kay Phoem, “I think she is stronger than me or she is learning from me, it’s part now of our lives. Kahit naman na normal na tao sanay na tayo na may kaaway or hater sa Twitter, bashers so I guess it’s how you deal with them that you have to let it pass and then move on and then focus on things na you really care about. Yan ang sinasabi ko sa kanya, huwag masyadong mag-Twitter. Kapag nagta-travel kami focus on our ‘us time’, talagang balance lang lahat. Kung may followers, may haters, normal lang naman yun. So pasok lang yun dito then labas din dito. Tapos sinasabihan din ako ni Kim na minsan nadadala ko sa conversation na Kim, ‘Sabi ng follower mo, sabi niya…’ Yung mga haters at bashers, madali naman na akong kausap eh.”
 
Maging si Kim ay sanay na rin sa mga naturang haters at bashers,.“Yeah, when I read through my Twitter, I usually notice the fans rather than the haters, because I would rather appreciate the fans than noticing the haters and they are not worthy to be noticed.”

Photo from Phoemela Baranda's IG