Billy Crawford finally bailed out of jail

Billy Crawford's management says the singer-host will take a leave from 'Showtime'

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/8/2014 11:55 PM
Billy Crawford finally bailed out of jail


090814-billy123_main.jpgLunes ng hapon September 8, nakalabas na sa pagkaka-detain ang aktor na si Billy Crawford. Nakulong ito sa PNP Taguig madaling araw ng Linggo matapos magwala sa Precint 7 sa Taguig.
 
Ayon sa report sa TV Patrol, Lunes lang nakalabas si Crawford dahil Lunes nagbubukas ang mga opisina kung kaya noon lang din naasikaso ang pag-file ng bail.
 
Ngunit ano nga ba ang dahilan ang pagpunta ni Crawford sa presinto na nauwi sa kanyang pagwawala? Sinabi ng abogado ni Crawford, na si Atty. Jose Aspiras na may nakaalitan si Billy kung kaya he went to the police to seek help.
 
Taliwas naman ito sa pahayag ng kaibigan ni Crawford na si Nadia Montenegro. Ayon kay Nadia, walang nakaaway (si Billy). Si Billy, he knew that he could not handle himself anymore because he was too intoxicated.
 
Aminado naman ang manager ni Crawford na si Arnold Vegafria na ilang araw nang under stress si Crawford kung kaya masama ang naging epekto ng alak sa kanya. "During that time na uminom sila, wala siyang tulog, walang kain. So iba ang epekto ng champagne na ininom nya.
 
Mula sa apat na kaso, malicious mischief at disobedience na lang ang mga kasong kinakaharap ni Crawford. Pack up muna ang shooting para sa isang pelikula kung saan kabilang si Crawford at pahinga muna si Crawford at ang girlfriend nito na si Coleen Garcia mula sa It's Showtime.  
 
Sa report naman ni Ginger Conejero, nagbigay ng kanilang version ng pangyayari ang women officers na naka-duty nang pumasok si Crawford sa presinto.
 
Ayon kay SPO1 Rodelma Canao, mga 4:30am ng Linggo September 7 nang dumating si Crawford. Diumano, nagpupumilit na dalhin siya sa headquarters ng Taguig police station.
 
Sinubukan nilang pakalmahin si Crawford, ngunit malakas na diumano ang boses nito. Iginiit ni Crawford na dalhin siya sa headquarters, ngunit hindi raw nito sinasabi kung bakit.
 
Kung kaya naman minabuti nila na tumawag ng mobile service para dalhin sa heaquarters si Crawford. Dagdag pa ni SPO1 Canao, sinabi ni Billy na within 5 secs na wala ang sinasabi mong mobile car sisirain ko po itong istasyon ninyo.
 
Matapos ang ilang segundo ay itinulak na raw ni Crawford ang sliding door kung kaya bumagsak ito. Wala raw silang magawa para pigilan si Crawford dahil malaki ito at nakainom. Naitulak rin ni Billy nang hindi sinasadya ang isa kanila.
 
Panay naman ang hingi ni Crawford ng tawad pati na rin ang kasama nitong babae na naka- red dress. Ayon sa babaeng kasama ni Crawford, may pinagdadaanan daw na problema ang host-singer.
 
Ayon pa kay SPO1 Canao, wala po siyang sinuntok na tao dito.Napatawad na rin diumano nila si Billy.