Aktres 'di bagay sa bida roles?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

9/8/2014 1:17 AM
Aktres 'di bagay sa bida roles?


090814-aktres_main.jpgKahit kinumpirma pa sa akin ay nandun pa rin ang dasal ko na sana-- kung totoo man-- ay magkaroon siya ng bagong show na mas bongga. 

Kesa sa isang show na excited pa naman daw ang mestisang Aktres, dahil nakailang araw na siyang nagte-taping. 
Pero ang masaklap, itinapon lang umano ang mga eksena nito, dahil ang ending: nag-decide ang team na palitan siya, "Ng mas seksi sa kanya. Kasi naman ang lola mo, masyadong in love, kaya nananaba. Medyo malaki siya sa screen, Ogs. Eh alam mo namang 20% gain pag pinanonood mo ang artista sa TV."

Dagdag pa ng source, "Iba na ngayon ang proseso para makuha ka sa isang teleserye. You have to undergo look test. Dito kasi made-determine kung bagay ka sa role. Tulad sa case niya. Role ng bida. Nag-looktest na siya. Pasok naman siya. Siya na talaga ang final choice. Ang kaso, nakita ng mga bossing na masyuba at nabawasan ng dating ang lola mo nung nag-preview na sila ng mga nakuhaang eksena sa kanya. Ayun, nawaley."

Sabi ko nga. May mga ganon talagang pangyayari. Baka nga may mas magandang role na naghihintay sa kanya, kaya siya inalis doon. 

So basta hanggang wala pa, balik-alindog program muna siya. Gym-gym at diet-diet din pag me time. Just like her special someone.