• Home
  • Fresh Scoops
  • Nora Aunor reacts to Lyca Gairanod being called the ‘Next Young Superstar’

Nora Aunor reacts to Lyca Gairanod being called the ‘Next Young Superstar’

Nora Aunor sees Lyca Gairanod’s The Voice victory as an instrument to inspire other people.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/6/2014 5:04 AM
Nora Aunor reacts to Lyca Gairanod being called the ‘Next Young Superstar’


090614-noralyca_main.jpgSa binigay na pagkilala ng Unibersidad ng Pilipinas kamakailan sa Superstar na si Nora Aunor, sinabi niyang iba ang pakiramdam na naibigay ng pagkilala na ito kumpara sa lahat ng kanyang mga natanggap. Aniya, “Kakaiba sa mga naramdaman ko nung una na nakatanggap ako ng award at iba e kapag ang UP ang nagbigay sa iyo ng ganitong karangalan. Sabi ko nga, hanggang Grade 2 lang ako parang yung pagtayo ko kanina doon sa stage na nagsasalita ako para na rin akong naka-graduate sa Unibersidad kaya masayang-masaya ako.”

Dagdag pa ni Nora, “Sa totoo lang kasi mga taong bayan na kasama yung mga importanteng tao na mga taga UP ang nagbigay ng karangalan at isang malaking karangalan ito para sa akin.” 

Iginawad ng unibersidad ang UP Gawad Plaridel kay Nora bilang pagkilala sa kanyang mga naggawa at naibigay na mga pagkilala sa larangan ng sining.

Nabalot ng kontrobersiya si Nora dahil sa hindi niya pagkakasama sa mga paggawad sa kanya bilang National Artist. Kaya naman sa reaksiyon niya sa sinabi ng mga taga-UP na para sa kanila ay siya ang alagad ng sining, “Siyempre wala akong sasabihin kungdi nakakatuwa kasi hindi man ako narecognize nung ibang… pero ang taumbayan tulad ng mga taga-UP at ng mga teachers lalong-lalo na ang nagbibigay ng parangal sa akin. Sa susunod ata na tatanggap ako sa PUP, puro eskwelahan, puro mga teachers.”

Sa kasalukuyan ay mas napapanood si Nora sa mga pamproyektong indie tulad na lamang ng katatapos niyang Cinemalaya entry na Hustisya. Kaya naman natanong siya kung sa mga sususod ba ay mapapanood din siya sa mga mainstream-released movies. “Alam mo wala namang pagkakaiba siguro ang paggawa ng indie, kung indie man kasi nakakaggawa ako ng indie na maganda eh na nagugustuhan sa ibang bansa at nadadala natin sa ibang bansa at nagbibigay din ng karangalan sa Pilipinas kagay nung Thy Womb at itong Hustisya ay mapupunta din at iikot din sa buong mundo. Ang Dementia din ay iikot dion sa buong mundo.” 

Nabanggit ni Nora noon pa na nasa plano na niya ang mag-produce ng pelikula at kinumpirma niyang muli ito sa kanyang. Aniya, “Balak ko na magproduce ng pelikula… pero tapusin ko muna yung mga nakalaan kong pelikula sa labas.” Dagdag niya pa, “Sana hindi matapos ang taon makapagsimula na magproduce.”

Natanong din ang Superstar sa pagkapanalo ni Lyca Gairanod sa The Voice Kids na inihahambing din sa naging simula ni Nora sa showbiz. Ngayon ay kinikilala na rin ang bata bilang “The Next Young Superstar.” Sa tanong na kung ano ang masasabi niya tungkol sa pagkakahambing sa kanya at sa nagiging simulain na Lyca sa ngayon, “Maganda po yun. Dapat tinutulungan natin yung katulad ng mga ganung kabataan sapagkat yan po, kapag nagtagal ang magtuturo naman sa mga kabataan na susunod sa kanila kaya kailangan tulungan natin.”