• Home
  • Fresh Scoops
  • Nash Aguas and Alexa Ilacad admit to having a crush on each other

Nash Aguas and Alexa Ilacad admit to having a crush on each other

Nash Aguas and Alexa Ilacad admit to having real life chemistry.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/6/2014 5:15 AM
Nash Aguas and Alexa Ilacad admit to having a crush on each other


090614-nlex_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kinuwento ng number three teen love team Nash Aguas and Alexa Ilacad kung paano nagsimula ang kanilang tambalan na mas kilala bilang “NLEX.”

Ayon kay Nash at Alexa, nagsimula ang tambalan nila sa Going Bulilit nang gawan sila ni Direk Bobot Mortiz ng “narrative for one whole episode.” Napansin diumano ang chemistry nila at naging patok ang tambalang NLEX kung kaya nagdire-diretso na ang kanilang love team hanggang Wansapanataym at Luv U.

Ngayon naman pumirma na rin ng contract ang NLEX sa Star Cinema para sa pagtatambalan nilang pelikula na pinamagatang Teen Clash.

Parehong home-schooled si Nash at si Alexa. Si Nash ay 4th year high school na.

Pareho diumano silang may cellphone at pinapayagan din sila ng kanilang mga magulang “mag-telebabad.”

Ayon kay Nash, nagte-telebabad sila ni Alexa gamit ang kanilang landline. Inamin ni Alexa at Nash na hindi lang pala onscreen ang chemistry nila dahil maging sa totoong buhay ay crush nila ang isa’t isa.

Ayon naman kay Alexa, “we know our limits and our parents guide us.”