• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says she will vote for Jed Madela in Himig Handog 2014

Kris Aquino says she will vote for Jed Madela in Himig Handog 2014

Jed also shares to Kris why he opted to stay in the Philippines.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/5/2014 10:12 AM
Kris Aquino says she will vote for Jed Madela in Himig Handog 2014


090514-jed_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, naimbitahan diumano si Jed Madela ng National Commission for Culture and the Arts sa isang induction upang maging parte si Jed ng kanilang komite. Bakit naman kaya si Jed ang napili ng NCAA? Sagot ni Jed, “kasi dahil daw sa involvement ko sa propagation ng Filipino talent."

Ayon kay Jed, isang dahilan ay ang pagbalik niya sa Pilipinas matapos niyang manalo sa World Championships of the Performing Arts noong 2005, kahit na “I had offers in the States.” Pinili ni Jed ipagpatuloy ang karera niya sa Pilipinas para i-promote ang Pinoy talent.

Nag-request ng Mariah Carey song ang host na si Kris Aquino mula kay Jed dahil diumano binigyan ni Kris ng ticket si Jed para sa nalalapit na concert ni Mariah sa Pilipinas. Kinanta ni Jed ang “Through the Rain” para kay Kris.

Kinanta rin ni Jed ang pambato niyang kanta sa Himig Handog Pop Love Songs of 2014 na “If You Don’t Want To Fall” composed by Jude Gitamondoc.

Humanga ang Queen of All Media Kris Aquino sa kanta at gusto raw niyang makilala ang Cebuanong composer. Uubusin din diumano ni Kris ang kanyang load para iboto si Jed sa Himig Handog 2014.