Abra praises composer of ‘Halik sa Hangin’

Abra sings and compliments composer of ‘Halik sa Hangin’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/4/2014 11:09 AM
Abra praises composer of ‘Halik sa Hangin’


090414-abra.png
Sa Aquino and Abunda Tonight, pinatikim ng Filipino hiphop artist na si Abra ang kanyang musika at sinagot ang ilang katanungan tungkol sa kanya.

Ininterpret ni Abra at Ebe Dancel ang official entry ni David Dimaguila para sa Himig Handog PPop Love Songs 2014 na “Halik Sa Hangin.”  Pinuri ni Abra ang composer nito sapagka’t diumano “yung composer nalagay ang theme ng song and laman ng song sa first two lines.” Ang first two lines ng kanta na kinanta ni Abra sa show ay, “Ang ikli ng panahon na ibinigay sa amin. Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin.”

Ayon kay Abra, wala siyang girlfriend dahil wala siyang panahon. Sa ngayon diumano, marami siyang sinusulat na musika. 25 years old na si Abra at hindi pa raw siya nagkakaroon kahit isang girlfriend dahil siya ay “waiting for the right one.” Aminado naman si Abra na nagkaroon siya noon ng “flings.” 

Tinanong rin ng host na si Kris Aquino kung bakit may rhythm kapag nagsasalita si Abra na para bang nagra-rap pa rin ito. Paliwanag ni Abra, “Mahilig kasi kami mag-free style (rap) sa down time namin,” kaya diumano para siyang nagra-rap kapag nakikipag-usap.

Parte rin si Abra ng Decades of OPM album ng Philharmonic Orchestra para sa kantang “Totoy Bibo.”