Jeron Teng admits he is courting Jane Oineza

Kris Aquino grills the DLSU basketball player about his 'catch up' date with the actress

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/3/2014 11:41 PM
Jeron Teng admits he is courting Jane Oineza


090314-jeron_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nalagay sa hot seat ang star player ng La Salle Green Archer na si Jeron Teng.
 
Inamin ni Jeron na nag-dinner sila ng Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Jane Oineza noong September 1, pero hindi niya raw alam kung matatawag itong date. Para sa kanya nag-catch up lang sila, kasi first time nilang magkita pagkalabas ni Jane ng bahay ni Kuya.
 
Siya raw ang nagyaya kay Jane na mag-dinner sila. Paano naman kaya ni Jeron niyaya si Jane? Sinabi lang daw niya na sana makapag-dinner sila kapag may time si Jane. Alam ni Jeron kung gaano ka-busy si Jane kung kaya pinaalam niya rin sa dalaga na willing siya maghintay.Maghihintay lang naman ako. I won't force you, ani Jeron.
 
Nang mag-guest si Jane sa The Buzz sinabi diumano ni Jane na mabait si Jeron at hindi ito nagbago kahit na maraming masasamang paratang kay Jane ang mga bashers at haters. Depensa naman ni Jeron kay Jane ay, they don't know Jane personally like I do. Bago pa raw si Jane pumasok sa Big Brother house ay kilala na niya ito.
 
Diretsahan namang tinanong ng host na si Kris Aquino kung nililigawan ni Jeron si Jane. Unang sagot ni Jeron ay maraming factors at hindi niya raw alam kung papayag ang Mama ni Jane. Nang pinilit ito ni Kris, inamin nito na I want to, pero marami ding factors.. Sa pangatlong tanong ni Kris, sinabi na rin ni Jeron na, yes.
 
Hindi si Jeron ang magiging date ni Jane sa Star magic Ball dahil mag-isa raw pupunta ng ball si Jane. Hindi rin alam ni Jeron kung susunduin niya ang teen actress pagkatapos ng ball dahil baka may lakad pa ito kasama ang mga kaibigan niya.
 
Rarampa si Jeron at ang kangyang kapatid na si Jeric sa Bench Underwear Fashion Show. Topless na rarampa ang Teng brothers ngunit pants ang suot nila at hindi underwear.