Gabriel Moreno plans on pursuing his Olympic career

Pinoy Pride Gabriel Moreno will not quit competing in the Olympics.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/3/2014 11:09 AM
Gabriel Moreno plans on pursuing his Olympic career


090314-gab_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nakapanayam ng Gonzaga sisters Toni and Alex ang Pinoy Pride at first ever Youth Olympics gold medalist na si Gabriel Moreno.

Nanalo si Gab sa larangan ng Archery at sinabi niya na sinimulan niya ang Archery noong siya ay seven years old. Pang-pitong sport niya ang Archery at dito siya nag-excel kaya napag-desisyonan ng kanyang parents na sa Archery siya mag-focus.

Pamangkin si Gab ng aktres na sina Shaina Magdayao at Vina Morales. Paliwanag ni Gab, kapatid ng mommy niya sina Shaina at Vina. Lolo din diumano ni Gab si Kuya Germs Moreno.

Sinabi ni Gab na “sobrang proud” siya sa karangalan na nadala niya sa Pilipinas. Ipagpapatuloy din diumano niya ang Archery. “I will pursue this kahit nag-school, so I’m going to join next year the qualifiers for real Olympics.”

Sinusuportahan din si Gab ng ating bansa. Ayon kay Gab, “priority athlete” siya at binibigyan siya ng “allowance monthly plus incentives.”