• Home
  • Fresh Scoops
  • Balesin owner defends Heart Evangelista and Chiz Escudero, says he invited the couple to wed at Bale

Balesin owner defends Heart Evangelista and Chiz Escudero, says he invited the couple to wed at Bale

Balesin owner says Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero did not "bump-off" Cesca Litton and fiancé from their wedding venue.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/3/2014 11:03 AM
Balesin owner defends Heart Evangelista and Chiz Escudero, says he invited the couple to wed at Bale


090314-heart_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, napag-usapan ang kontrobersiya sa kasalang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Diumano, Lunes ng umaga September 2, nag-post ng status ang make-up artist na si Ria Gamboa tungkol sa pagkaka-bump off sa wedding ng kanyang kaibigan mula sa Balesin Island sa Quezon.
 
Ayon sa ulat, ang kaibigan na tinutukoy ni Ria ay ang host na si Cesca Litton, na ikakasal sa fiancé nito na si Tyke Kalaw sa February 14, 2015. At ang high-profile couple naman na nakakuha ng venue nila Cesca ay sina Heart at Sen. Chiz na diumano ay ikakasal rin sa parehong araw.
 
Sa naunang pahayag, itinanggi ito ni Heart at sinabi na hindi niya magagawa ang ganung bagay sa isa pa ring bride to be. Wala pa rin diumanong definite time and venue ang kasal nila ni Sen. Chiz. Si Sen. Chiz naman ay nagbigay din ng pahayag at sinabing hindi sila dapat madamay dahil wala pang final plan ang kasal nila.
 
Nagpadala naman ng mensahe ang may-ari ng Balesin Island na si Robert Ongpin at sa kanyang pahayag sinabi niya na siya ang nag-imbita kay Heart at Chiz na doon ganapin ang kanilang kasal some time in July, bago pa man magkaroon ng formal engagement ang dalawa.
 
Kwento ni Mr. Ongpin, malapit niyang kaibigan sina Heart at Chiz at madalas diumano pumupunta sa Balesin ang dalawa kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
 
Paliwanag ni Mr. Ongpin, matapos niyang makatanggap ng "confirmation" mula kay Chiz at Heart ay tinanong niya ang "reservations people" ng Balesin kung free pa ang date na February 14, 2015 at sinabi sa kanya na wala pang nag-confirm as of that time "and I told them to block it (the date) off. So nobody has been bumped off."
 
Dagdag pa niya, siya ay nasa Europe at idinikta lang niya ang kanyang mensahe sa kanyang sekretarya para hindi madamay ang mga inosenteng tao at para rin matuldukan na ang issue.
 
Nagbigay din ng exclusive statement si Cesca at sinabi nito na dalawang beses (April and August) silang pumunta ng Balesin para tingnan ang lugar. Noong huling punta nila ay isinama  pa nila ang kanilang coordinator at stylist sa Balesin. Nakipag-meet din sila sa managers para sa "logistics at rooming". Nagkaroon na rin ng food tasting at napag-usapan ang table layouts. Ilang beses din sa kanyang kinompirma ng mga namamahala ng Balesin Island na available pa ang date na February 14, 2015.
 
Dagdag pa ni Cesca, na nitong nakaraang Sabado lang nakatanggap siya ng tawag at sinasabi sa kanya na sina Heart at Chiz na ang na-approve para sa date na nabanggit, matapos nilang tawagan ang may-ari na si Mr. Ongpin. Ayon kay Chesca, "had we known that all it took was a call to the owner then perhaps none of those formalities should have been followed. In all our trips to Balesin and discussions with management asking to reserve February 14, 2015, we were always told it was available." Ani pa ni Cesca, hindi na sana sila nag-invest ng oras at pera at hindi na sana nila inilipad pa sa Balesin Island ang coordinator at stylist kung alam lang nila na naka-book na ang venue.
 
Nakausap din ng host na si Toni Gonzaga ang malapit na kaibigan at isa sa mga bridesmaids ni Cesca at sinabi nito sa kanya that "they feel bad for Cesca dahil hindi biro magplano ng kasal." Ayon kay Toni, member ang fiancé ni Cesca ng Balesin Club at bilang member "you want to get the same kind of treatment and also yung pag-aalaga."
 
Ayon pa sa kaibigan ni Cesca, naghahanap na ng bagong venue ng kasal sina Cesca at Tyke.
 
Sa kabila ng kaguluhang ito, sinabi ni Toni na hindi naman magka-away si Heart at si Cesca. Pinaaabot din diumano ni Heart na she's trying to reach out to Cesca through their common friend.

Si Cesca at si Heart ay parehong naging ex-girlfriend ng aktor na si Jericho Rosales.