• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their plans after ‘Be Careful With My Heart’

Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their plans after ‘Be Careful With My Heart’

: Jodi Sta. Maria plans on travelling while Richard Yap wants to focus more on his business.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/30/2014 7:27 AM
Jodi Sta. Maria and Richard Yap share their plans after ‘Be Careful With My Heart’


093014-BCWMH_main.jpgAminado sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na nalulungkot din sila sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng hindi lang bumago sa kasaysayan ng daytime programming kung ‘di bumago din sa kanilang mga buhay, ang Be Careful With My Heart. “May konting sadness na it has to end but we are also happy na matatapos na medyo maganda at hindi matatapos dahil kailangang tapusin so yun din ang feeling namin.” Dagdag naman ni Jodi, “Well tulad ng sinabi ni Richard ganun din, siyempre bittersweet siya pero sabi ko nga lahat naman ng nagsisimula ya may katapusan at alam naman namin na darating ang yugto na ito sa bawat programa.”

Ibinahagi din ng dalawa kung ano ang mamimiss nila sa bawat isa at sa mga nakasama nila sa programa ng higit dalawang taon. Para kay Richard ang mamimiss niya kay Jodi, “Of course yung kulitan naming dalawa.” Si Jodi naman, inamin na nagkakaroon din ng mga hindi pagkakaunawaan sa ilan sa kanila. “Oo kasi tulad ng sabi ng cast kanina, para talaga kaming pamilya sa set at sa dalawang taon na yun, tulad ng isang tunay na pamilya may ups and downs, may moods, may kasiyahan, meron minsang hindi pagkakasunod but at the end of the day nananaig yung pagmamahalan at paguunawaan.”

At nang matanong kung may ideya na ba sila kung paano wawakasan ang phenomenal daytime serye na minahal ng sambayanan, wala ideya ang dalawa pero si Jodi sigurado sa isang bagay patungkol dito. “Isa lang ang alam namin, na ang mga writers, ang creative team talagang pinaghihirapan nila na kung paano nasimula ng maganda, magsasara at magtatapos ng maganda din.”

Ngayon pa lang marami nang nag-aabang kung ano na ang mga susunod na gagawin at mga proyektong nakalinya kina Jodi at Richard. Si Jodi ibinahaging magbabakasyon muna sa ibang bansa kasama ang anak na si Thirdy, “Ako right now, wala pa rin eh kasi after Be Careful With My Heart gusto ko talaga ay makapagpahinga muna, makapagbakasyon.” 

Si Richard naman ay may pelikula ngayong Pasko na kabilang sa Metro Manila Film Festival at yun muna ang pagkakaabalahan niya matapos ang serye. “Ako naman I will be doing the movie Praybeyt Benjamin 2, that is for December and after that hindi ko pa alam kasi next year is another season so we don’t know yet. Maybe I’ll take a rest na and concentrate on my business first.”