• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin speaks up about the controversial The Naked Truth fashion show

Coco Martin speaks up about the controversial The Naked Truth fashion show

Coco Martin on his controversial scene in The Naked Truth fashion show: ‘Hindi ko nakita ang malalim na kahulugan ng pinagawa sa akin.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

9/30/2014 7:28 AM
Coco Martin speaks up about the controversial The Naked Truth fashion show


093014-aanda_updates.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagsalita si Atty. Lorna Kapunan on behalf of Coco Martin kaugnay pa rin sa pagkondena ng ilang grupo katulad ng Gabriella at Philippine Commission on Women sa ilang eksena sa The Naked Truth fashion show ng Bench. Ang pagrampa ni Coco Martin kung saan may dala siyang babae na naka-leash ang isa sa mga eksena sa fashion show na nakatanggap ng pagtuligsa.

Bago pa man ang interview kay Atty. Kapunan, binasa ng host na si Kris Aquino ang Instagram post ni Ben Chan kung saan muli itong nag-apologize sa mga tao at kay Coco. Ayon sa kanya, “Coco only played the role given to him.”

Binasa rin ni Kris ang isang text message mula kay Coco. Sa mensahe ni Coco, sinabi nito na sobrang siyang nalungkot sa mga nangyari. Inamin din niya ang kanyang pagkukulang dahil diumano “hindi ko nakita ang malalim na kahulugan ng pinagawa sa akin.” Pinangako rin ni Coco na mas magiging sensitibo na siya sa mga issue na may kinalaman sa karapatan ng mga babae. Mahal na mahal daw ni Coco ang kanyang Lola, Nanay at kanyang tatlong kapatid na babae at nirerespeto niya ang kababaihan.

Ayon kay Atty. Kapunan, may kontrata si Coco with Bench kung kaya para kay Coco ay trabaho ang lahat and he was“acting out a role.” Ganunpaman, inaamin diumano ni Coco ang kanyang pagkakamali at isang malaking pagsisisi dahil nahuli ang realization na mali ang kanyang ginawa.

Isang French lady diumano ang nag-direct ng show kung kaya hindi ito familiar sa “sensibilities ng mga pinoy.” Dagdag pa ni Boy Abunda, napag-alaman sa research na may iba’t ibang konsepto ang fashion show. Mayroon diumanong part na ang theme ay “Purity” at meron ding “Animal Within Me.” Doon diumano napunta si Coco sa pangalawang theme.

Sinabi rin ni Atty. Kapunan na ideally dapat kasama si Coco sa conceptualization ng fashion show, ngunit hindi ito nangyari. Isang beses lang din nakapag-rehearse sila Coco dahil sa pagdating ng Typhoon Mario sa bansa.

Payo pa ni Atty. Kapunan, kailangan ng “self-police o self-regulation.” “Let us protect the station, our artists, kasi you can be sued.” 

Isa rin diumanong oversight ang pag-apologize kay Coco at hindi sa babae na nasa dulo ng leash. Dagdag pa ni Atty. Kapunan, tapos na dapat ang paghingi ng paumanhin at simulan na ang pagpakita ng commitment. “You have to walk your talk.”

Ayon kay Boy, “jarring” sa kanila ang nangyari dahil malayo sa imahe ni Ben Chan ang mga pagtuligsa na tinanggap ng Bench. “Ben Chan will never hurt women.” Pagtatapos naman ni Kris, ang mahalaga ay nagpakita ng ownership si Coco at si Ben sa pamamagitan ng pag-amin nila sa kanilang pagkakamali at paghingi ng paumanhin para dito.